Quantcast
Channel: Kapirasong Kritika – Pinoy Weekly
Viewing all 151 articles
Browse latest View live

King of Trolls

$
0
0

Sa Facebook at online sa pangkalahatan, marami nang nasulat at nasabi tungkol sa kampanya ng gobyernong Aquino na siraan ang pamilya ni Mary Jane Veloso, na ang ginamit na tuntungan ay ang pagtuligsa, at hindi pagpapasalamat, ng pamilya sa gobyerno. May ilan lang akong gustong idiin at sana’y idagdag:

(1) Ang paninira sa pamilya Veloso ay operasyon ng makinarya sa propaganda ng Malakanyang kasabwat ang midya ng malalaking kapitalista. Mas malamang, may malaking kinalaman dito sina Ricky Carandang, Manuel L. Quezon III, Jim Paredes at Leah Navarro. Pinakilos ang mga may tunay na account sa social media at pinakilos ang mga ineempleyo para magtayo ng maraming gawa-gawang account. Kung wala silang masyadong imik sa social media para iligtas ang buhay ni Mary Jane, naging hyper-aktibo sila sa paninira sa kanyang pamilya pagkatapos siyang mailigtas sa bingit ng kamatayan. Nakahanda naman ang midya ng malalaking kapitalista, tampok ang Philippine Daily Inquirer, para itambol sa pamamagitan ng pagbabalita ang masasahol na mensahe ng paninira sa pamilya Veloso, at sa gayo’y palaganapin pa ito.

(2) Marami nang nasulat tungkol sa pagpapabaya, sa kulang na kulang at halos-huling tugon ng gobyernong Aquino sa nabinbing pagbitay kay Mary Jane Veloso. Ang gusto kong idagdag: Kung susubaybayan ang mga aksyon at pahayag ng gobyernong Aquino bago nabinbin ang pagbitay, masasabing ang tindig talaga nito ay hindi ang iligtas si Mary Jane, kundi ang hayaan siyang mabitay para magsilbing babala sa mga Pilipino para huwag umanong maloko o magamit ng mga human at drug traffickers. Ganito ang paulit-ulit na mensahe ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs bago ang takdang pagbitay. Pakitang-tao na lang ang ginawang pag-apela ng gobyerno, at kahit ang mga protesta ay hindi sinuportahan bagkus tinambakan ng kapulisan. Napwersa na lang talaga si Aquino na umaksyon dahil lumakas ang protesta at nagbanta ang malawak at malakas na pagkondena.

(3) Interes ng gobyernong Aquino sa kampanya ng paninira na pagtakpan ang pagpapabaya nito kay Mary Jane. Natatakot ito na matransporma ang nagkakaisang tinig para sa pagliligtas kay Mary Jane patungo sa pagkondena sa kapabayaan nito sa kanyang kaso. Gusto rin nitong hadlangan ang paglabas ng mga datos na nagpapakita ng kawalang-puso nito kaugnay ng kaso. Halimbawa ang hindi pagsasabi sa pamilya na ibininbin na ang pagbitay kay Mary Jane noong nabinbin na ito; hinayaan silang makinig sa mga putok ng baril at isiping napatay na si Mary Jane kahit ligtas na pala ito. Patunay rin ito ng tindig ng gobyerno na magbigay ng babala sa mga Pilipino. Pwede namang kinilala na lang ang mga sinabi ni Nanay Celia Veloso na kauna-unawang pahayag ng isang ina, nagpaliwanag ng mga ginawa, at nagpatuloy sa panawagang palayain na si Mary Jane. Sa halip, isang higanteng kampanya ng paninira ang pinawalan nito – patunay na makasarili at hindi mabuti ang layunin nito.

(4) Ang problema, pinapahina rin ng gobyernong Aquino sa ganitong paninira ang mismong laban para sa tuluyang pagliligtas kay Mary Jane mula sa parusang kamatayan at para sa pagpapalaya sa kanya. Sa ganito, nagtutugma ang interes ng gobyernong Aquino at ng sindikato ng droga. Tandaan: Interes ng naturang sindikato na protektahan si Maria Kristina “Tintin” Sergio, ang rekruter ni Mary Jane at ng iba pa, at mas malamang na tauhan talaga nito. Si Sergio na ang susunod na usapin at sa pagpapahina sa pagkakaisa ng sambayanan para kay Mary Jane, mas madali para sa sindikato at sa mga kapit nito sa gobyerno na palayain si Sergio, at posibleng sa kapinsalaan ni Mary Jane. Ang naturang sindikato kaya ang nasa likod ng napakalupit na tinungo ng kampanya ng paninira, na may bahaging nananawagan ng pagbabalik kay Mary Jane sa death penalty at firing squad para sa nanay niya?

(5) Maraming nakakagalit sa kampanya ng paninira sa pamilya Veloso. Tinumbok na nina Prop. Sarah Raymundo at Gerry Lanuza ang isa: ang pag-insulto sa mga maralitang naninindigan. May isa pa para sa akin: Kakatwa na ginagamit ngayon ang salitang “brainwashing” para ilarawan ang ginagawa umano ng mga militanteng grupo sa pamilya Veloso. Pero totoo, arogante ang rehimeng Aquino, nag-aakalang kayang-kaya nitong linlangin ang mga Pilipino. Parang multo ang arogansyang ito na tumatahi sa maraming bagay: Sa pekeng pag-abolish sa PDAF bago ang Million People March. Sa galit ni Aquino sa dapat na presscon matapos ang Yolanda: “You did not die, right?” Sa pagtuligsa niya sa Simbahang Katoliko para sapawan ang pagtuligsa ni Pope Francis sa korupsyon sa pamahalaan niya. Sa kagustuhan niyang manalo ng Nobel Peace Prize na humantong sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano.

04 Mayo 2015


Binhi ng Isang Aklat

$
0
0

Magandang gabi po. Nang mapatay ng militar si Recca Noelle Monte noong Setyembre 2014, mabilis na bumuhos ang mga sulatin, mahaba at maikli, tungkol sa kanya. Naging araw-araw ang Throwback Thursday at naglabasan ang mga larawan kasama siya. Walang abi-abiso sa taba o payat, kinis o gaspang, kintab o tuyot ng mukha, laki o liit ng buhok ng mga kasama niya sa larawan. Sabihin pa, marami sa mga sulatin at larawang ito ang nakita at nabasa sa Facebook.

Para sa huling parangal ni Recca sa Church of the Risen Lord, tinipon ang mga sulatin at larawang ito ng matatalik na kaibigan at kasama niya at inilathala sa isang booklet. Kaunti lang ang kopyang inilimbag, dahil para lang talaga iyun sa pamilya Monte at malalapit na kasama’t kaibigan. Mahaba ang titulo ng booklet – Recca, karugtong ang lahat ng pangalan niya sa pakikibaka.

Ang booklet na ito ang binhi ng librong inilulunsad natin ngayon. Dahil sa pagluluksa at pangungulila, may mga kaibigan at kasamang paulit-ulit na binasa ang booklet. Napansin nila na iba’t ibang bahagi ng buhay at pakikibaka ni Recca ang pinaksa ng mga sulatin, at bihira ang puntong naulit. Samantala, nagtuluy-tuloy pa ang pagbuhos ng mga sulatin tungkol kay Recca at ang mga larawan niya.

Pabalat ng librong "Recca: From Diliman to the Cordilleras"

Pabalat ng librong “Recca: From Diliman to the Cordilleras”

Hanggang sa may nagkaroon ng ideyang palawigin ang booklet at gawin itong isang buo at “tunay” na libro. “Dapat lang!” ang sabi ng mga kaibigan at kasama ni Recca. Mahigit isang dekada siyang miyembro ng New People’s Army o NPA, bukod pa sa ilang taong naging aktibista. Noong namatay siya, isa na siyang lider ng Partido Komunista ng Pilipinas, ng isa sa mga panrehiyong organo nito. Hindi kalabisang sabihing kasama siya sa “the best and the brightest” ng aming henerasyon – at “the warmest” din, patunay ang napakaraming nagmamahal sa kanya.

Ang huwaran ng mga kasama at kaibigan niyang nakaisip na gawin itong libro ay ang Edjop: The Unusual Journey of Edgar Jopson na isinulat ni Benjamin Pimentel, Jr. Ang tinutukoy ay iyung orihinal na bersyon na nalathala noong 1989, hindi iyung UG, An Underground Tale: The Journey of Edgar Jopson and the First Quarter Storm Generation na binagong bersyon ng nauna at inilathala noong 2006. Sa huli kasi, ginamit ang buhay at pakikibaka ni Edjop laban sa NPA at PKP, na kinakasapian at pinapamunuan ni Edjop noong napatay siya ng militar.

Anu’t anuman, mahalaga sa aming henerasyon ng mga kabataang aktibista noong ikalawang hati ng dekada ’90 at maagang bahagi ng mga taong 2000 ang librong Edjop. Buhay na kwento kasi ito ng puspusang pakikibaka ni Edjop sa panahong iyun ng batas militar – una sa kilusang paggawa, sa Metro Manila, at pagkatapos ay sa Mindanao. Mababasa sa libro kung paano siya tumindig sa gitna ng mga tunggalian, sa sarili at sa loob ng Kilusan. Itinatangi ng marami sa amin ang mga bahagi ng libro na naglalarawan ng pamumuno niya, kung paano siya bilang kadre ng PKP. Sabi sa libro, halimbawa, parang barkada lang ang mga namumuno sa Mindanao noong bago siya dumating, pero naging pormal ang mga pulong nang siya na ang kalihim.

Ngayon gabi, masayang-masaya tayo na narito na ang ating libro. Palakpakan natin ang napakagandang librong Recca: From Diliman to the Cordilleras! Para sa pagkuha niya sa proyektong ito, palakpakan natin ang larawan ng makabayang guro at editor ng libro, si Prop. Judy M. Taguiwalo! Para sa napakahusay niyang pagbubuo, paglalatag at pagdidisenyo ng mga sulatin at larawan, palakpakan natin si Karl Fredrick M. Castro! Para sa mahusay at mabilis na paglalathala sa libro, palakpakan natin ang Southern Voices! Para sa kanilang mahuhusay na ambag, palakpakan natin ang napakaraming kontribyutor sa librong ito!

Nagagalak man tayo ngayon sa paglulunsad ng aklat, lagi’t lagi nating inihahabol na may mga kaakibat na panawagan ang librong ito. Isigaw natin ang mga panawagang ito. Katarungan para sa mga martir ng Lacub, Abra! Palayain si Kennedy Bangibang, bilanggong pulitikal! Syempre pa: Mabuhay ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

Nagagalak po tayo ngayong gabi na ang booklet na binhi ng librong ito ay sumibol na at naging isang magandang aklat. Hangad natin na ang librong ito, ang Recca: From Diliman to the Cordilleras, ay maihasik sa maraming bahagi ng bansa at maging binhi rin – ng maraming malayang kamalayan, ng maraming malayang bisig, lahat para sa isang malayang bayan!

08 Mayo 2015

* Talumpating hindi nabasa, dahil nahiya, sa paglulunsad ng Recca: From Diliman to the Cordilleras noong 22 Abril 2015 sa Quezon Hall, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Luha ang Tanging Nakamit

$
0
0

Syempre, lehitimong karapatan ng mga mang-aawit at personalidad sa social media na sina Jim Paredes at Leah Navarro na maglunsad ng rali laban sa pagtakbong pangulo sa eleksyong 2016 ni Bise-Presidente Jejomar Binay. Hindi ako maka-Binay, pero maraming magandang tanong ang maiisip kaugnay ng raling #StopBinay na pinamunuan nila noong Hunyo a-10 sa Makati City.

Una, bakit ang panawagan ay huwag tumakbo si Binay o pigilan si Binay na tumakbo? Alam naman nating lahat na napakaraming kasong hinukay at binuhay ng mga alyado ni Pang. Noynoy Aquino laban sa kanya. Bakit hindi “Ikulong!” ang panawagan? Dahil ba hindi ito magagawa o gagawin ng matataas na opisyal sa gobyerno? Kung ganoon, anong sinasabi nito tungkol sa paghahari umano ng “Daang Matuwid” na tiyak na pinapaniwalaan nina Paredes at Navarro? Kung totoong matuwid ang daan, kailangan pa bang magrali laban sa kurakot?

Ikalawa, malinaw na motibasyon ng protesta ang takot sa mismong pagtakbong pangulo ni Binay  ibang bagay pa kung mananalo siya. Tiyak na layunin nitong magdagdag sa paninira kay Binay para mabawasan ang mga tagasuporta at botante niya. Sa madaling sabi, kakambal ng protesta ang palagay na malakas pa rin si Binay  sa kabila ng kaliwat kanang paninira sa kanya ng mga alyado ni Aquino. Mulat kaya ang mga organisador sa ganitong implikasyon? O naunahan na sila ng galit at grabeng pagmaliit sa pagsusuri ng botanteng Pinoy?

Ikatlo, bakit hindi na lang rali ng pagsuporta sa kandidatura ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas? Malamang, gustong palabasin nina Paredes at Navarro na nilahukan ang protesta ng mga sumusuporta sa ibang presidentiable, pero sinong maloloko nila? Sa puntong ito, ang tanong ay: Bakit sila naduwag na ilabas ang kanilang totoong panawagan? Baka makasuhan ng maagang pangangampanya? Ayaw pa naman nila iyan, silang nagpapanggap na kontra sa tradisyunal na pulitika. At dahil protesta itong dikit sa pulitiko, ang tanong: magkano?

Ikaapat, rali talaga laban sa kandidatura ni Binay? Hindi ba makakahintay ng kampanya sa eleksyon iyan? Wala bang mas kagyat na isyung dapat ralihan? Naganap ang protesta habang iniraratsada ng Kongreso ang paggahasa sa Konstitusyong 1987 at pagpayag sa 100 porsyentong pag-aari ng mga dayuhan sa mga lupa at negosyo. Habang inaangkin ng China ang mga teritoryo ng Pilipinas. Habang naghahanap ng katarungan ang mga manggagawa ng nasunog na pabrika ng Kentex. Habang ibabalik sa pagkapulis ang command ng Mamasapano na si Alan Purisima.

Ikalima, 1,000 katao talaga? Batay sa mga larawan at kuha sa telebisyon, parang hindi naman. Wala bang pulis para magbigay ng mas maliit na bilang? Bakit kaya wala? Nagrali rin ba ang mga trolls at fake accounts na pinakilos nila sa kampanya nilang online na #ingrata laban kay Celia Veloso, nanay ni Mary Jane Veloso? Eh iyung mga kasabwat nila sa Philippine Daily Inquirer sa pagpopopularisa ng hashtag? Ang lakas ng loob nilang mangwestyon ng bilang ng mga rali ng ibang grupo, noong sila na ang nag-organisa, bakit parang malaking palpak?

Sa dulo, narinig ang sigaw ng protestang pinamunuan nina Paredes at Navarro: sigaw ng desperasyon  ng pulitikong tulo-laway sa pagkapangulo pero malabong manalo. At ng mga mang-aawit na dating kumikita mula sa talento, kumita mula sa pagsipsip kay Aquino, pero nangangamba ngayong mawalan ng sweldo.

12 Hunyo 2015

facebooktwittermail
Share

Amazing Grade

$
0
0

Isang paglalantad o pagsisiwalat. Iyan ang panukala kong pangunahing pagbasa sa viral, kontrobersyal, at probokatibong Facebook status ni Prop. Gerardo Lanuza na kumukwestyon sa ugnayan ng pagkakaroon ng maraming gradong 1.0 at ng pagiging matalino sa hanay ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas o UP. Inilalantad o isinisiwalat niya ang isang reyalidad tungkol sa mga tinatawag na “iskolar ng bayan” na nakakakuha ng matataas na grado mula sa kanyang obserbasyon. Hindi maiaalis sa isang propesor, na nag-aral at nagtuturo ng Sosyolohiya at Edukasyon, lalo na’t aktibista rin, ang gumawa ng ganitong mga obserbasyon: matatandaan, kahit malayo, ang mga pagsisiwalat ng mga sosyologo sa mababang katayuan sa sistemang pang-unibersidad sa Pransya ng mga intelektwal na Pranses na bantog sa mga kampus sa Estados Unidos.

Matagal nang obserbasyon ng mga estudyante at guro ng UP at iba pang unibersidad ang mga sinabi ni Lanuza kung paano makakakuha ng mataas na grado. Siguro’y tumampok lang ang sinabi niya dahil ginawa niyang publiko ang naturang mga obserbasyon sa isang Facebook post, sa isang panahong umaani ng papuri si Bb. Tiffany Grace Uy, gradweyt ng UP na nakakuha ng pinakamataas na grado pagkatapos ng World War 2. Para sa sinumang pamilyar sa mga progresibong pagsusuri sa sistemang pang-edukasyon, madaling matukoy na ang tinatamaan ng tuligsa ni Lanuza ay ang mga istandard sa paggagrado, na dapat lang kwestyunin at pana-panahong kinukwestyon, kung talagang nagpapalabas at nakakasukat sa talino ng mga estudyante. Hindi mga estudyante, lalo na’t isang estudyante, o mga propesor ang tinutuligsa ni Lanuza.

Syempre, pinalabas agad ni Prop. Sylvia Estrada-Claudio, propesor ng Women and Development Studies sa UP, lider ng Akbayan at kontra-aktibista, sa kanyang Facebook status na pinapatungkulan ni Lanuza si Bb. Uy. Ang gusto niya, kabigin ang mga tagahanga ni Bb. Uy sa kanyang panig at laban kay Lanuza. Pinalabas din niya na ang tinutuligsa ni Lanuza ay ang paggagrado ng mga kapwa-propesor sa UP. Ang gusto niya, kabigin ang naturang mga propesor sa kanyang panig at laban kay Lanuza. Malinaw na talagang kinalimutan na, at ayaw man lang ipaalala, ni Claudio ang anumang gunita sa mga progresibo, at may feminista rin, na kritika sa sistemang pang-edukasyon, partikular sa mga istandard sa paggagrado. Na para bang 100 porsyentong kumbinsido ang mga propesor sa mga istandard na ito  palagay na malamang ay tatanggihan nila.

Anu’t anuman, interesante ang maraming negatibong reaksyong natanggap ni Lanuza sa kanyang Facebook post. Isang dahilan, tiyak, ang kanyang mapangutyang porma. Madalas kalakasan at minsa’y kahinaan iyan sa mga Facebook status ni Lanuza: laging kongkreto sa tao, lalo na’t sa mga indibidwal, ang pagtuligsa sa mga istrukturang pang-edukasyon, pang-ekonomiya o panlipunan. Isa pa ang pagtatawid niya ng kritika sa sistema ng paggagrado patungo sa usapin, na madalas ihapag ng mga aktibista, ng uring panlipunan na pinaglilingkuran ng mga estudyanteng may mataas na grado. Pero marami nang nagsabi niyan at hindi umani ng katulad na reaksyon. Kaya maituturo rin ang katayuang panlipunan — at masasabi kayang pam-Facebook? — ni Lanuza, na isang propesor at tinitingnan ng marami na kumakatawan sa progresibong pagsusuri.

Pero malinaw na ang humatak ng matinding negatibong reaksyon ay ang malakas na upak ni Lanuza sa isang ilusyong mahalaga sa sistemang pang-edukasyon sa bansa  ang ilusyong katumbas ng mataas na grado ang pagiging matalino. Mahalagang masuri ang mga kaugnay ng naturang ilusyon  ang kulturang nagbibigay-halaga sa talino sa sistemang pang-edukasyon at sa mga nakapagtapos ng pag-aaral at, mas mahalaga, sa sistemang pang-ekonomiya na mahigpit na nag-uugnay ng taas ng grado at napag-aralan sa taas ng posibleng ranggo sa trabaho at kita. Dahil itinuturing na Numero Uno sa bansa at “world-class” ang UP at pandaigdig ang mga pangarap at pamumuhunan ng maraming estudyante ng UP pagdating sa trabaho, mas malaki ang halagang nakataya, kumbaga, sa pagtatanggol sa isang sentral na ilusyon maging ng edukasyong UP.

Maaaring dalhin ang kritika ni Lanuza sa sistema ng paggagrado sa “pagpapahusay” sa sistemang pang-edukasyon ngayon. Pero bahagi rin ito ng pagkwestyon sa labis-labis na pagpapahalagang ibinibigay sa “katalinuhan” sa edukasyon sa naturang sistema. Bahagi ang pagpapahalagang ito ng isang sistemang pang-ekonomiya na nakikinabang sa ilusyong para umangat sa buhay ay kailangan ng mataas na sweldo at magandang trabahong pampropesyunal. Hindi naibibigay ng sistemang ito ang batayang pangangailangan ng lahat para mapaunlad ang iba’t ibang talino ng tao  mula pagsulat ng tula at pagkanta hanggang isports at pagkakarpintero, at marami pang iba. Hindi ito sistema kung saan “ang malayang pag-unlad ng isa ay batayan ng malayang pag-unlad ng lahat,” kasama ang malayang pag-unlad ng lahat ng kakayahan ng bawat isa.

27 Hunyo 2015

facebooktwittermail
Share

Pitao Mindanao

$
0
0

Umuulan ng parangal kay Leoncio “Ka Parago” Pitao, lider ng New People’s Army sa Mindanao, na napatay noong Hunyo 28. Kaya naman napaisip siya kung ilang beses na siyang nakapunta sa Mindanao. Isang beses lang, saglit lang, at halos walang kinalaman sa malakas na pakikibaka, na mayroong ligal at mayroong armado, ng mga mamamayan sa isla. Wala siyang direktang karanasan sa Mindanao. Ang mayroon lang siya ay mga kwento ng mga nakasama niya dati sa aktibismo na nagpasyang kumilos sa hanay ng mga magsasaka at Lumad doon.

At napakarami nilang kwento, na lagi nilang ibinabahagi nang puno ng rubdob ng damdamin ng mga rebolusyonaryo. Tungkol sa malawak na kalupaan na mapagkanlong sa NPA at mapanganib sa “kaaway,” sa militar. Tungkol sa mga lugar sa kagubatan na hindi pa sa kasaysayan natutuntungan ng militar pero kasing-pamilyar ng tahanan para sa mga NPA. Tungkol sa grabeng karalitaan ng mga magsasaka at Lumad: kapag kumakain ka raw ng biskwit, ang mga butil na nahuhulog ay agad pupulutin ng mga bata at isusubo sa kanilang bibig.

Tungkol sa mataas na diwang palaban ng NPA sa lugar. Sa husay nila sa paglulunsad ng taktikal na mga opensibang waring batay lang sa kanilang kapasyahan. Sa paghiling ng masa na lusubin ang mga dayuhang kompanya ng pagmimina. Sa pananabik, bukod sa iba pang emosyon, nila sa mga operasyon ng kaaway dahil tiyak na makakakuha ng mga armas at bala. Sa lalong pagdami at paglakas nila noong itinodo ng militar ang pag-atake sa kanila, dahil direkta nila itong sinagupa. Sa husay ng masa sa pagsuporta sa NPA kahit sa panahon ng labanan.

Tungkol sa kung anu-ano, pero lalo’t higit sa alab at optimismo ng mga kasama. Sa kanilang malayong tanaw sa pagbibigay ng edukasyon sa masa. Sa kanilang malawak na pag-iisip sa pagbibigay-bigat sa pulitikal kumpara sa personal. Sa kanilang sigasig at sakripisyo, sa kabila ng sakit at katandaan ng ilan. Sa kanilang mga isip na bukas sa mga bagong bagay at demokratikong estilo sa masa at kasama. Sa pagpuna sa mga yunit na hindi nakakapagdulot ng pagbuti ng kabuhayan ng masa. Sa mahusay na pagkokombina ng mga nakakabata at nakakatanda.

May kumpirmasyon ang lahat ng kwentong ito: ang paglakas ng pakikibaka ng mga mamamayan ng Mindanao, kapwa sa pahayag ng militar at ng pamunuan ng NPA mismo. Sa kanilang parangal kay Pitao, pinuri nina Benito at Wilma Tiamzon, mga konsultant ng National Democratic Front, ang “di-matitinag na rebolusyonaryong determinasyon at kapangahasang sumulong ng hukbo at kilusan sa Timog Mindanao. Ang rehiyon ang trumangko sa pagsulong ng armadong pakikibaka sa buong bansa sa nakaraang mahigit 10 taon.”

Maging sa personal na antas, may mga kumpirmasyon. Iyung isa niyang dating kasama sa aktibismo na nagpasyang pumakat sa Mindanao, tipong malungkutin at may pinagdaanan pang depresyon noon. Pero ano’t puno ng saya, sigla, pag-ibig at aliwalas, natatawa na lang sa dating pagkatao ngayon? Iyun namang isa, dating maligalig sa personal, maangas sa pakikibaka, at maluho sa buhay. Pero ano’t magaan, kalmado at mas prinsipyado na ngayon kapag nakakausap, masayang nagkukwento ng maya’t mayang pagkain ng kamote?

Pulang pugay: Likhang sining sa pader sa tabi ng kalsada sa Davao Sining. <b>Kilab Multimedia</b>

Pulang pugay: Likhang sining sa pader sa tabi ng kalsada sa Davao Sining. Kilab Multimedia

Sa kabila ng lahat, may mga kwento rin ng pagpapakumbaba. Madalas daw silang matanong kung ano ang bukod-tangi sa pakikibaka sa Mindanao, kung bakit ito lumakas at tuluy-tuloy na lumalakas. Ang sabi raw ng isang kasama, “Wala namang bago. Ipinatupad lang natin ang mga gabay, tagubilin at atas ng pamunuan.” Ang mga kasama’t kaibigan niya galing Mindanao, mapanghikayat sa lahat ng makausap: “Punta kang Mindanao, kailangan ka doon.” May isa pang nasabihan: “Dapat maranasan mong mamuno ng larangan. Masaya.”

Ito ang isang konteksto ng pagpatay ng militar kay Pitao: ang paglakas ng pakikibaka sa Mindanao. Kaya matagal na siyang gustong patayin pero hindi mapatay, mahalaga sa kanila pero madulas. Kaya mismong anak niyang si Rebelyn ay pinagmalupitan at pinatay. Kaya kahit maysakit at nagpapagaling ay hindi siya tinantanan, siyang tumanggi, ayon sa kanyang mga kasamahan, sa alok na mag-medical leave ng NPA. Kaya napatay man siya’y hindi todong makapagdiwang ang militar, dahil alam nilang kaya silang ilang ulit na balikan.

Isang beses lang siyang nakapuntang Mindanao. Pero dahil sa napakaraming kwento mula rito tungkol sa paglakas ng pakikibaka sa kabila ng mga kahirapan at panunupil, napakalapit nito sa puso niya at mga kasama niya. At iyun ang unang hakbang patungo sa naantala pero tiyak niyang, nilang, pagpunta.

09 Hulyo 2015

facebooktwittermail
Share

Huling SONA ni Aquino

$
0
0
Tahimik na protesta ng Makabayan Bloc matapos ang talumpati ni Pangulong Aquino. <b>Boy Bagwis</b>

Tahimik na protesta ng Makabayan Bloc matapos ang talumpati ni Pangulong Aquino. Boy Bagwis

Sa dulo, hindi maalis ang pangkalahatang pagtingin na walang bago sa huling State of the Nation Address ni Pang. Noynoy Aquino nitong Hulyo 27. Dagdag-kumpirmasyon ito ng kanyang pagkabigo na magdulot ng ipinangako niyang “pagbabago.” Gayundin ng pagkabigong tuparin ang ipinangako niyang “Kung walang corrupt, walang mahirap” noong kumakandidato pa lang siyang pangulo.

Ngayong taon, bagamat naglabasan muli ang iba’t ibang “magandang balita” at papuri tungkol sa ekonomiya ng bansa, naglabasan din ang mga pagsusuring kumontra sa mga ito. Mas ang nangyari, nalantad na lalong humirap ang mahihirap at lalong yumaman ang mayayaman bago pa man ang aktwal na talumpati. Kapansin-pansin ang mga datos ng Ibon Foundation, independyenteng institusyon ng pananaliksik: Mas dumami ang walang trabaho at kulang ang trabaho, mas dumami ang mahihirap, habang trumiple ang yaman ng pinakamayayaman sa bansa.

Kauna-unawa sana ang balik-tanaw sa rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo sa SONA ni Aquino; tutal, nangako siya ng “pagbabago” kumpara rito. Pero lumutang na kahiya-hiyang paninisi ang bahaging iyun dahil una, wala siyang naipakitang tampok na pagsulong sa ekonomiya ng bansa. Pangalawa, wala rin siyang naipakitang tampok na pag-abante mula sa pamamahala noong panahon ni Arroyo. Ramdam ito noong kinailangan niyang sipiin ang minimum na pamantayang sinabi umano sa kanya para udyukan siya noong tumakbong pangulo: “Simulan lang ang pagtigil sa pang-aabuso, sapat na. To stop the hemorrhaging would be enough.”

Naghintay rin ang mga mamamayan ng mga pahayag tungkol sa mga ibinabato sa kanyang isyu o inaakusa sa kanyang krimen: pagdanak ng dugo sa Mamasapano, Disbursement Acceleration Program, pagpapabaya sa mga biktima ng Yolanda, hindi pagpaparusa sa mga opisyal ng pamahalaan na malapit sa kanya, at iba pa. Wala siyang pag-ako ng pananagutan sa mga ito. Malamang, sasabihin ng mga tagapagtanggol niyang mas mainam na ang pananahimik kaysa pagbibigay ng palusot. Pero ipinapakita ng pananahimik niya sa mga isyung ito ang pagpapatuloy, hindi ang pagbabago, ng estilo ng pamamahala ng pangulong pinalitan niya.

Ang tumampok bago ang SONA ay ang iba’t ibang hakbangin ni Aquino para takasan ang pananagutan sa mga krimeng ginawa niya habang nasa pwesto. Gusto niyang huwag matulad sa dalawang pangulong nauna sa kanya at makaligtas sa paghahabla at pagpapakulong matapos ang termino niya. Sa layuning ito, kinausap niya ang popular na si Sen. Grace Poe para patakbuhin itong bise-presidente ng matapat sa kanyang si DILG Sec. Mar Roxas sa eleksyong 2016. Ang resulta, lalong nagmukhang malakas na kandidato si Poe sa pagkapangulo, at lalong nagmukhang mahinang kandidato ni Roxas. Nagmukha pang nasa bingit ng alanganin ang pag-endorso niya kay Roxas. Sumugal si Aquino dahil sa desperasyong maligtas sa paghahabla at pagkakakulong, pero natalo siya: tinanggihan ni Poe ang kanyang alok.

Bahagi rin ng pagtatangka niyang takasan ang pananagutan sa kanyang mga krimen ang pag-abswelto ng Ombudsman sa kanya kaugnay ng pagdanak ng dugo sa Mamasapano. Matatandaang si Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay itinalaga niya sa naturang pwesto. Sa pagtatangkang ilusot ang desisyon sa puntirya ng maraming kritikal sa kanya sa usapin ng Mamasapano, isinabay ito sa mga desisyong popular: sa pagsibak kay Alan Purisima, dating hepe ng Philippine National Police, kahit pa kaugnay lang ng isang maanomalyang kontrata. Sa pag-utos na imbestigahan ito kasama ng iba pa kaugnay ng Mamasapano. Gayundin sa pagrekomenda ng mga kaso laban kay Jovito Palparan, dating heneral ng militar na naging mukha ng malawakan at matitinding paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Arroyo.

Sa gitna ng lahat ng ito, hindi kataka-takang pinaigting ni Aquino ang pampulitikang panunupil bago ang SONA at, sa marahas na pagharang sa mga nagpoprotesta, sa mismong araw nito: Mula sa paghuli sa konsultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Adelberto Silva hanggang sa pagpatay sa maysakit na lider ng New People’s Army na si Leoncio “Ka Parago” Pitao. Mula sa panghaharas sa mga unyonista ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage, tampok si Antonieta Setias-Dizon, at iba pang aktibista, hanggang sa pandarahas sa mga Lumad ng Mindanao na lumilikas sa militarisasyon. Hanggang, syempre pa, sa pagtatayo ng mas matinding garison sa Commonwealth Avenue sakto sa mismong araw ng SONA kontra sa mga protesta.

Kaakibat ng pagpapakitang umuunlad ang Pilipinas, gusto ng rehimeng Aquino na pahinain ang iba’t ibang porma ng paglaban ng mga mamamayan, na iniluluwal naman ng matindi at malaganap na kahirapan sa bansa. Pero sa halip na mapahina ang naturang paglaban, lalo lang pinatampok ng mga mapanupil na hakbangin ng rehimen na nagpapatuloy, kung hindi man sumasahol pa nga, ang mga dahilan at batayan ng mga mamamayan para lumaban.

Hindi inalintana ng mga nagpoprotesta ang panunupil. Sa labas ng Kongreso, mas naggiit ang sampu-sampung libong hanay ng mga nagrali na iparinig ang tunay na kalagayan ng bayan – sa kabila ulan, kapulisan at mga harang. Sa loob ng Kongreso, tahasang ipinakita ng mga kongresistang Makabayan ang pagtuligsa kay Aquino, bagay na lalong tumampok dahil sa agarang pag-boo ng mga alyado ng pangulo. Ang totoo, ang matatandaan sa SONA 2015 ay hindi ang sinabi ni Aquino, kundi ang mas palabang protesta ng sambayanang Pilipino.

30 Hulyo 2015

The War Rages On

$
0
0

Screen Shot 2015-08-14 at 5.06.28 PM

As a Filipino activist committed to radical social change, I like JacobinMag.com, the magazine that introduces itself as one “of culture and polemic.” Well, despite the lapse in judgment that spurred this missive (which we’ll get to shortly), I still do. I like the fact that its articles are short, direct-to-the-point, and relatively free of jargon. Its articles on the struggle of the workers and people of Greece against austerity, for example, are enlightening.

Jacobin’s publication of “The War Is Over” by one Alex de Jong, however, is a low point for the website. Despite its attempt to feign even-handedness, de Jong’s article clearly demonizes the underground Communist Party of the Philippines (CPP) and the open national-democratic umbrella organization Bagong Alyansang Makabayan (Bayan, which means “nation” in Filipino) before an international audience.

While admitting that the CPP and Bayan constitute “the strongest current on the Philippine Left,” the article downplays the vast difference in strength between these Reaffirmist groups on the one hand and so-called Rejectionist groups on the other. In fact, it tries to project parity of strength between the two camps. It also accuses the CPP and Bayan of “intellectual stagnancy” and “violence,” implying that other groups of the Philippine Left are intellectually vibrant and, well, peaceful.

De Jong defines the thrust of his article as that of tracking down the reasons why the CPP and Bayan remain the strongest formations on the Philippine Left. This way, he can zero in on the two groups’ negative points, broadly conceived, while ignoring the more glaring faults and weaknesses of other Left formations. He ends with the vague and unsubstantiated metaphoric conclusion that the Philippine Communist movement is being “worn down by the passage of history,” and thus, doomed.

What does de Jong fail to say in his article?

First, that despite the nuances and qualifications that he highlights in their history, the CPP and Bayan have consistently been the strongest Left formations in the Philippines since they were founded, with CPP leading in the armed struggle and Bayan in urban protests and parliamentary struggle. This, despite facing severe and non-stop political repression from the Philippine State, committing major ultra-left and rightist errors in the 1980s, being targeted by the ringleaders of the major errors of the 1980s with wrecking operations in the 1990s, and grappling with neoliberal policies and counter-insurgency campaigns that take them as targets. In the last two regimes alone, around a thousand of its legal activists have been killed or forcibly disappeared, and hundreds more unlawfully detained.

Tens of thousands of protesters under Bayan begin their march from Luzon-Commonwealth to begin the protest action against President Aquino's State of the Nation Address. <b>Darius Galang</b>

Tens of thousands of protesters under Bayan begin their march from Luzon-Commonwealth to begin the protest action against President Aquino’s State of the Nation Address. Darius Galang

In the cities, the groups contributed significantly to urban protests that culminated in the ouster of Philippine presidents Ferdinand Marcos in 1986 and Joseph Estrada in 2001. They have been sworn enemies of successive regimes subservient to US imperialism and representing the local ruling classes. Whenever there are large protests in the Philippines, it’s the flags of Bayan and its member organizations that are flying high.

In the countryside, militarization and other forms of political repression intensify, but the New People’s Army, led by the CPP, continues to fight and gain strength in many areas of the country. It has been actively implementing land reform, building the organized strength of peasants, and waging armed struggle. It has been in the news, backing farmers in fighting landgrabbing by big landlords and international mining companies. Only this year, despite the grave threat of military retribution, the funeral march of fallen Communist commander Leoncio ‘Ka Parago’ Pitao saw thousands of supporters marching on the streets of Davao City, a grand display of love, mourning, and strength unprecedented in recent memory.

Collectively, the struggles and victories of the Filipino masses and people together with the CPP and Bayan are touchstones in Philippine history, concrete manifestations of a nation pushing forward.

The July 27 State of the Nation Address that de Jong talks about? He seems to have confined his view to Quezon City, where the Bayan protest numbered almost 30,000 while the other Left forces could muster no more than a few hundreds. De Jong fails to observe that Bayan simultaneously held big rallies in key towns and cities all over the Philippine archipelago. Meanwhile his description of the rally of a few hundreds as “broad” could only be laughable. In order to to come up with “presentable” photos of their Quezon City rally, its organizers took shots that were so tight, they might as well have taken selfies. And yet de Jong has the gall to try to paint the flawed picture where Reaffirmists “are equal in number to all the [Rejectionist] groups put together.”

Second, de Jong cites groups “from the Maoist [Marxist-Leninist Party of the Philippines] to the social-democratic Akbayan party and the Revolutionary Party of Mindanao” as if they are notable. These groups, however, are in reality scattered, distant from the Filipino masses and people – and, to be frank about it, negligible in Philippine politics. Apart from Akbayan which participates in elections, the names of these groups catapulted to newfound prominence by de Jong have never been heard of before in the Philippine scene; they are introduced to Filipino readers of his article for the first time.

The self-appointed spokespersons of these alleged groups have constantly presented them as emergent formations in the Philippine Left: fresh, exciting, on the way forward. But more than 20 years after they have broken ranks with the CPP and Bayan, what organizational or intellectual strength can these groups show? Not much. They have by and large remained leaders and writers without any significant mass membership. This, despite receiving ample financial and material support from various factions of the Philippine ruling classes, international funding agencies, and international solidarity networks.

Leaders and writers of groups like Akbayan have focused their intellectual energies on analyzing-attacking the CPP and Bayan, yet have shunned making honest-to-goodness Marxist assessments and summations of their own organizations’ histories. They have always tried to answer the question “Why do the CPP and Bayan remain strong?” but have refused to recognize, let alone answer, the question “Why do other Left formations remain very, very weak?” Their glaring lack of experience, skill and sharpness in assessing and summing-up their own history is clearly reflected in the haphazard manner with which they approach the histories of the CPP and Bayan.

They claim that their movements are intellectually vibrant, but that is never in the sense of enriching the unity of thought and action or the praxis of arousing, organizing and mobilizing the Filipino masses and the people for genuine social change. No wonder they proudly claim that they are “peaceful,” and that the imperialists and the Philippine ruling classes are only happy to agree.

Of course, mere numbers are not an absolute proof of a movement’s correctness. But the long and continuous existence of these organizations – more than 45 years for CPP and 35 for Bayan – and the victories that they have gained despite the various hurdles that they faced, show that they are the only Left formations which have successfully advanced – and continue to forward decisively – the Filipino masses’ and people’s struggle for genuine social change. On the other hand, the lackluster performance of Akbayan, and other Left formations in the Philippines, despite the various odds favoring them, shows that most of what they do is talk, criticize the CPP and Bayan, and ally with various factions of the Philippines’ ruling classes.

The experience of Akbayan, the most “successful” of the lot, is most instructive. Despite continuing to talk about its so-called “reform agenda,” the group has of late thoroughly exposed itself as a stooge and apologist of the neoliberal and fascist regime of Pres. Benigno Simeon Aquino III. Even Walden Bello, the group’s erstwhile representative in Congress and a left-lite anti-globalization activist, was forced to distance himself from the group for condoning the crimes of the corrupt and anti-people Aquino. Government reports released just this month show that the group’s top officials occupying positions in government have been given huge salaries and other perks.

Which brings us to the fundamental issue: What kind of “Left” politics are these groups trying to advance? Do they sharply analyze the socio-economic system prevailing in the Philippines and struggle for the correct radical solution? National-democratic activists have every reason to believe that the source of these groups’ weakness lies in their incorrect political line, whether consciously formulated or not. And that these groups’ incorrect political line stems ultimately from their incorrect ideological line.

I won’t go into detail addressing de Jong’s criticisms of the CPP and Bayan. The groups have their own websites (www.philippinerevolution.net and www.bayan.ph) and have done a better job of defending themselves against such weakly-founded accusations.

The New People's Army in Mindanao, ever increasing, despite the Armed Forces deploying more than half of its units in the island. <b>KR Guda/PW File Photo</b>

The New People’s Army in Mindanao, ever increasing, despite the Armed Forces deploying more than half of its units in the island. KR Guda/PW File Photo

One thing is clear: de Jong’s article is aimed at the international progressive audience. It is not the first time the Rejectionist bloc has exploited a respectable international publication into being a platform for vilifying CPP and Bayan. And by publishing his article, Jacobin has fallen into the same mistake already committed by other publications: lending its hard-earned global prestige among progressives to commentators on the Philippines who are associated with groups that are hyperactive on the internet but dormant in the grassroots, or who mistake activity in social media as sufficient participation in social struggles, and who attack movements that are in reality doing a fine job at strengthening the struggles of the masses and people of the Philippines. And that, I believe, is a disservice to the latter.

Communists and national democrats are often maligned as orthodox and close-minded while New Left groups or new groups of the Left like to project themselves as open-minded and free from dogma. But any intelligent or discerning Left group should be able to recognize who’s truly exemplary in wielding Marxism and progressive theory in general to strengthen mass struggles and movements in various countries. Let there be no doubt about it: in the Philippines, it’s the Communists and national democrats.

“The War Is Over,” proclaims de Jong via Jacobin. “The CPP and Bayan are in decline,” he claims. That is definitely not true, but that is music to the ears of imperialists and the ruling classes of the Philippines.

13 August 2015

The author is a national-democratic activist in the Philippines. He has been writing about Philippine politics and the Left since 2005. This is one of the few times that he was forced to write in English.

Winnie Monsod vs. Lumad

$
0
0
Winnie Monsod

Winnie Monsod

Sa kolum niyang “Who is exploiting the ‘lumad’?” sa Philippine Daily Inquirer nitong 19 Setyembre, ipinagtanggol ni Prop. Solita “Mareng Winnie” Monsod ang militar laban sa malaganap at patuloy pang lumalaganap na pagkondena rito dahil sa pagpatay, at pagmasaker pa nga, sa mga Lumad sa Mindanao.

Sa maraming taon, pinatatag ng midyang pag-aari ng malalaking kapitalista ang imahe ni Monsod, propesor ng ekonomiks at komentarista sa dyaryo at telebisyon, bilang tinig ng makatwirang opinyon. Malaking bagay ang estilo niya ng pagsusulat at pagsasalita – pang-araw-araw, direkta-sa-punto, para tuloy “makamasa” at “totoo.”

Pero sa kolum niyang ito tungkol sa maramihang pagpatay sa mga Lumad, malinaw na hindi katotohanan ang hangad niya, kundi ang pagbaluktot at pagtatago nito. Hindi ang pagtigil sa pagpatay sa mga Lumad, kundi ang pananaig sa publiko ng paliwanag ng militar sa naturang mga pagpatay.

Ang ugat: ang agad at awtomatikong pagpanig niya sa militar nang labag sa mga datos, historikal na karanasan, at kritikal na pagsusuri. Na nakaugat naman sa pagtatanggol niya sa mga namamayaning patakarang pang-ekonomiya sa bansa.

Talaingod Manobo ng Talaingod, Davao del Norte. <b>KR Guda</b>

Talaingod Manobo ng Talaingod, Davao del Norte. KR Guda

May dalawang tauhan sa isyu, aniya. Nasa isang banda ang grupong party-list na Bayan Muna, koalisyong elektoral na Makabayan, at Karapatan, grupong nagtatanggol sa karapatang pantao – na tinawag niyang “matigas na Kaliwa (hard Left)” at agad binansagang kakampi ng rebeldeng grupong New People’s Army o NPA at kaaway ng militar. Nasa kabilang banda ang Armed Forces of the Philippines o AFP.

Sa kamay ni Monsod, ang isyu ay naging usapin ng pagpanig: sa mga pahayag ng Kaliwa o sa mga pahayag ng AFP? Pinapalabas niyang ang militar ang siyang inaakusahang pumapatay sa mga Lumad dahil lang ang Kaliwa ang siyang nag-aakusa.

Ang ginawa niya, agad niyang idineklara ang kanyang pagpanig – “sa pagkakataong ito, ako ay malinaw na maka-militar” – at mula rito ay naglatag ng kanyang mga “argumento” at “datos.” Sa kolum na ito, malinaw na nagmumula sa pagpanig ang mga argumento at datos, at hindi ang kabaligtaran – gaya ng dapat asahan, pero bihirang makuha, sa isang akademiko at komentaristang tulad niya.

Ipinapaalala ng ganitong takbo ng isip ni Monsod ang takbo ng isip na terorista, pero nagpapakilalang “anti-terorista,” ni Pang. George W. Bush ng US: “Kakampi mo kami o kakampi mo ang kaaway.” Ang biktima o kaswalti rito, gaya sa bintang ni Bush na may Weapons of Mass Destruction ang Iraq, ay ang katotohanan, at ang mga mamamayan na itinuturing nang tagasuporta ng kaaway.

Hindi tatanggapin ni Monsod sa kanyang korte, kumbaga, ang ebidensyang galing sa Kaliwa. Pero may dalawang kagyat na mapagkukunan ng ebidensya na dapat niyang sinangguni kung totoong nagsasaliksik siya at hindi lang basta nagtatanggol sa militar. At iyan ay kahit tanggalin natin ang mahabang kasaysayan ng paglaban ng mga Lumad at ng panunupil ng militar.

Una, ang mga Lumad mismo. Higit sa pagtaghoy, nagsasalita sila at nagpoprotesta, itinuturo ang mga nasaksihan nilang pumatay sa kanilang mga kaanak at kaibigan – ang militar at ang mga alaga nitong paramilitar. Sa konteksto ng mga Lumad, hindi biglang pangyayari ang mga serye ng pagpatay o mga masaker; nauuna ang mga pananakot at iba pang porma ng pandarahas na natutukoy ang mga salarin.

At hindi paisa-isang “lider” ng mga Lumad ang nagsasalita, tulad sa kaso ng mga nagsasalita pabor sa militar, kundi buu-buong populasyon nila. Hindi kataka-taka, inaakusahan ni Monsod ang Kaliwa na nagpipilit na magsalita para sa mga Lumad, at ginagamit niya itong palusot para hindi sila pakinggan.

Ikalawa, ang militar at gobyerno mismo. Kung susuriin ang programang kontra-insurhensyang Oplan Bayanihan, madaling makita ang kongklusyon ni G. Renato Reyes, Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan: target talaga ng militar ang mga Lumad. Para saan ang pagsasabi ng militar na 74 porsyento ng mga NPA sa Silangang Mindanao ang mga Lumad? At 90 porsyento ng mga base ng NPA sa isla ang nasa mga komunidad ng mga Lumad?

At mahalagang pansining bahagi ng Oplan Bayanihan ang mga islogang ipinagmamalaki ni Monsod kaugnay ng militar: ang “mga lapit na people-centered at whole-of-nation sa mga usapin ng internal na kapayapaan at seguridad.”

Michelle Campos (kaliwa), anak ng pinaslang na lider-Lumad na si Dionel, noong martsa patungong Mendiola sa anibersaryo ng batas militar, Setyembre 21, 2015. <b>KR Guda</b>

Michelle Campos (kaliwa), anak ng pinaslang na lider-Lumad na si Dionel, noong martsa patungong Mendiola sa anibersaryo ng batas militar, Setyembre 21, 2015. KR Guda

Hindi kataka-taka, inangkin ni Monsod ang kalayaang balewalain ang katotohanan. May mga patutsada siyang hindi maipagtatanggol nang makatwiran: Ang mga Lumad daw ay nag-anak nang nag-anak na “parang mga kuneho,” bagay na nagpapasama sa imahe nila. Tubong Surigao del Sur si Hen. Hernando Iriberri, na para bang dahilan ito para hindi gumawa ang heneral ng masama sa mga Lumad.

Marami rin siyang absurdong kasinungalingan. Hindi man daw “mga santo” ang militar ay “ginagawa nila ang lahat ng makakaya” at may paraan para maghanap ng katarungan kung magkamali sila. Ang batayan daw ng Kaliwa sa pag-akusa sa militar: mahal ang mga baril na ginamit sa mga pagpatay sa mga Lumad. Parang sinigawan daw ng opinyong publiko para patahimikin si Iriberri sa mga pahayag nito.

Malaking kalokohan ang mga batayan ni Monsod sa pagpanig sa militar: Una, nagbitiw o nagretiro na raw ang mga labi sa militar ng Martial Law. Ikalawa, nahubog raw ang kasalukuyang militar sa “karapatang pantao, sa mga lapit na nakasentro-sa-mamamayan at pambuong-bansa sa mga usapin ng internal na kapayapaan at seguridad.”

Nakatali ang unang punto sa antas ng mga indibidwal na tauhan at opisyal o sa henerasyon ng mga ito. Pero kinaligtaan ito sa ikalawang punto: Hindi ba’t ang mga pwersang militar ngayon ay hinubog ng mga rehimen pagkatapos ni Marcos na pawang responsable rin sa malaganap na paglabag sa mga karapatang pantao?

Pero higit pa diyan, tinatalikuran ng ganitong pagsusuri ang mas malalaking usapin: ang oryentasyon ng instrumentong mapanupil na ito na napakahalaga sa Estado – sa pagtatanggol sa pribadong pag-aari at sa panunupil sa mga lumalaban sa sistemang panlipunan na nagpapayaman sa iilan at nagpapahirap sa nakararami – gayundin ang sistemang umiiral sa loob ng militar, at ang mahabang historikal na rekord nito ng paglabag sa mga karapatang pantao.

Ikatlo, at hindi nahiya si Monsod na aminin, may “mga multisektoral na grupong tagapayo” raw ang militar at miyembro raw siya nito simula 2010. Kaugnay marahil ito ng punto niyang may “Army Transformation Roadmap” ang militar na sineseryoso nito umano.

Interesante ang pag-amin na ito: siya na nagtanggol at sumipsip sa rehimen ni Arroyo hanggang dulo, ay nakahanap na rin pala ng pwesto sa rehimen ni Aquino. Kaya pala sa pangkalahatan ay pabor kay Aquino ang kanyang mga opinyon. Siya na nanahimik at hindi kumondena sa madugong rekord sa karapatang pantao ng rehimen ni Arroyo ay nagpapayo na ngayon sa militar, at nagtatanggol rito.

"Lumad and Amazon", dibuho ng rebolusyonaryong artista na si Parts Bagani.

“Lumad and Amazon”, dibuho ng rebolusyonaryong artista na si Parts Bagani

Matapos paniwalaan ang pagtanggi ng militar sa pagpatay sa mga Lumad, pinagsalita sila ni Monsod para magbigay-katwiran: “Kung pumatay man ang militar ng Lumad, iyan ay hindi dahil Lumad sila, kundi dahil NPA sila. Paano nalalaman ng militar kung ang Llumad ay NPA? Simple: kung may baril sila, NPA sila.” Lahat ng pahayag ng binansagan niyang “Kaliwa” ay kinwestyon niya, pero hindi ang pahayag na ito ng militar.

Hindi rin niya kinwestyon ang iba pang pahayag ng militar: Na galing ang impormasyon tungkol sa mga miyembro ng NPA na Lumad sa mga Lumad mismo na dating rebelde at sumuko na sa gobyerno. Na ang mga nagpapakilalang lumikas na Lumad ay hindi talaga lumikas. Na NPA, hindi militar, ang siyang pumapatay sa mga Lumad at umabot na nga raw sa 357 ang mga Lumad na pinatay ng NPA sa panahong 1998-2008.

Sa madaling salita, sinasang-ayunan at binibigyang-katwiran ni Monsod ang pagpatay sa mga Lumad. Bersyon lang ang pahayag niya ng aroganteng hacienderong pahayag ni Pang. Noynoy Aquino: “Walang kampanya na patayin ang kahit sino sa bansang ito. Ang mayroon ay kampanya na tugisin ang mga salarin sa mga krimen na ito maging sino man sila.” Sinusunod ni Monsod ang paliwanag ng militar sa mga namatay: mga NPA sila at dapat lang patayin dahil mga mamamatay-tao.

Tulad ng mga pahayag ni Aquino, mapanganib ang mga pahayag ni Monsod. Bukod sa hindi nila itinutulak ang pagtigil sa mga pagpaslang, binibigyang-katwiran nila ang pagpatay sa mga Lumad, sa batayang mga NPA ang mga ito. At hanggang diyan lang ang kayang sabihin ng militar; hindi sila lalampas diyan sa antas ng pahayag. Hindi nila sasabihing pumapatay sila ng mga sibilyan kahit sa ganoon ang aktwal nilang ginagawa.

Ang kailangan ay alamin at lutasin ang mga ugat ng paglaban ng mga Lumad, ng pandarahas ng mga militar, at ng armadong tunggalian sa bansa – sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan. Pero walang ganyang panawagan si Monsod, kahit pakitang-tao. Mas malamang, alam niya ang naturang mga ugat sa kalagayang sosyo-ekonomiko ng bansa, pero tutol siya sa pundamental na pagbago rito. Ang kailangan lang, para sa kanya, ay ang supilin ang mga lumalabang Lumad.

Mas kilala si Monsod na tagapagrekomenda at tagapagtanggol ng mga patakarang pang-ekonomiya ng gobyerno – na pawang neoliberal at mas pinapakinabangan ng mga malalaking dayuhan at lokal na kapitalista at mga haciendero. Sa kolum niya hinggil sa mga Lumad, ipinapakilala niya ang isa pang aspeto sa kanyang personalidad: tagapagrekomenda at tagapagtanggol rin ng mga patakarang mapanupil ng gobyerno.

Kailangan nga naman ng ekonomiyang nagpapayaman sa iilan mula sa pagpapawis ng nakakarami ang panunupil sa nakakarami – at ang panlilinlang sa nakararami gaya ng ginagawa ni Monsod sa kolum niya. At sa kanyang katauhan, magkasanib ang umano’y hindi-nakikitang kamay ng pamilihan at ang sumusuporta ritong itinatagong bakal na kamay ng Estado.

Dinala ni Monsod sa pagtatanggol sa militar ang estilo ng pag-iisip na tatak niya at ng mga katulad niyang ekonomistang neoliberal sa pagtatanggol sa mga patakarang pang-ekonomiya: mahigpit na paghawak sa dogma kahit pa taliwas ito sa reyalidad. Labag sa maraming ebidensyang kontra rito, tinatanganan niyang mabuti ang umano’y pagiging labas sa anumang pananagutan, kapwa ng pamilihan at ng militar.

Akusasyon niya sa Kaliwa na hindi ito nagbabago ng isip kahit nagbabago ang panahon. Sa kolum niya sa mga Lumad, umatras pa nga sa kasaysayan si Monsod. Dito, at marahil sa mga nauna pang kolum, idinedeklara niya sa daigdig ang muling pagkabuhay niya: hindi na lang ekonomistang neoliberal kundi mandirigmang anti-Kaliwa na rin ng Cold War.

21 Setyembre 2015

Radikal sa #AlDub

$
0
0

Sa panimulang antas, mainam sanang hayaan na lang ang mga personal at kahit padaskul-daskol na pagtingin sa “kalyeserye” na “AlDub.” Tutal naman, isa itong kalakal ng kulturang popular kung saan pwede, at hinihikayat pa nga, ang kanya-kanyang panlasa, gusto, o trip mula sa maraming pagpipilian.

Pero dahil sa grabeng kasikatan ng palabas sa hanay ng masa, mainam na bigyan ito ng seryosong pagsusuri, o mga pagsusuri, ng mga interesado sa buhay at kultura ng masa. Lalo na iyung mga interesado sa kalagayang pang-ekonomiya, pakikibaka at hinaharap nila. At ganito rin siguro sa iba pang kalakal ng kulturang popular na sikat sa masa.

Hindi na rin matatalikuran ang pangangailangan sa ganitong pagsusuri dahil ang mga tagahanga ng AlDub, lalo na iyung mula sa hanay ng mga aktibista, ay kumukwestyon sa mga paniniwala, palagay at pagpapahalaga na nasa likod ng pagsusuri ng mga hindi tagahanga, at kritiko pa nga, ng kalyeserye.

Pero anong klaseng seryosong pagsusuri? Kung hindi ubra ang “personal lang,” hindi rin ang “kasubuan na” o todong pagtatanggol sa isang tindig na napili na bago pa man ang pagsusuri. Dapat ay mahigpit na kaugnay ito ng pagpanig, punto-de-bista at pamamaraan ng progresibong kaisipan, na kolektibong pinagsasaluhan.

Ibig sabihin, hindi produktibo kung ang mga talakayan hinggil sa AlDub ay mauwi sa “anti-intelektwalismo” na may bahagi ng pag-iwas sa progresibong kaisipan – kapwa sa pagtanggi sa pagbuo ng seryosong pagsusuri rito o sa pagbansag na “pa-intelektwal lang” ang mga nasa kabilang panig ng debate.

Kung progresibong kaisipan ang pag-uusapan, kailangang kagyat na kilalanin na may mayamang tradisyon dito na kritikal sa kulturang popular. Maraming tuligsa sa huli: likha ng malalaking kapitalista, nag-uudyok ng walang kabusugang pagkonsumo, balon ng pantasyang naglilihis ng atensyon ng masa sa mga suliraning panlipunan at tunggalian ng mga uri, nagdudulot ng pagkabulag at pagkamanhid sa mga isyung panlipunan, at iba pa.

Alden Richards (kaliwa) at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub

Alden Richards (kaliwa) at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub

Sa ganitong konteksto mapapahalagahan ang lapit o approach ni Fredric Jameson, Marxistang Amerikano, at ng iba pang katulad niya, sa kulturang popular. Taliwas sa kampo ng progresibong kaisipan na purong negatibo ang pagtingin dito, kinilala niya na may positibo rin sa kulturang popular – at “positibo” mula sa perspektibang progresibo

Ayon kay Jameson, ang mga kalakal ng kulturang popular ay posibleng maglaman ng “Utopyanong paghahangad” – “ang paghahangad sa kolektibidad, proto-pulitikal na kapasyahang muling magtayo ng komunidad, muling mag-imbento ng porma ng buhay panlipunan at ng pamumuhay kung saan hindi sinasagkaan ang mga posibilidad ng mga tao, kung saan ang mga pagnanasa ng mga tao ay nabibigyang-kasiyahan sa kung anong paraang bago at labas sa alyenasyon (non-alienated).” Ng paghahangad, samakatwid, sa sosyalismo.

Diyalektikal ang turing at ambisyon ni Jameson sa kanyang lapit: pinanghahawakan pareho ang mga bahaging negatibo at mga bahaging positibo sa mga kalakal ng kulturang popular at sumusuri sa kanilang pag-uugnayan, tunggalian at pagkakaisa.

At ganito niya inilalarawan ang pag-uugnayan ng dalawa: sa kulturang popular, o “mass culture” sa katawagan niya, ang mga “mapanganib at proto-pulitikal na mga bugso ng damdamin (impulse)” ng masa ay kapwa ginigising para pagkatapos ay pahimbingin, pinapadaloy para pagkatapos ay sagkaan. May mga “kaligayahan”o “insentiba” na ibinibigay sa manonood para sa pananahimik.

Fredric Jameson. Larawan mula sa Wikimedia Commons/Tor Erik H. Mathiesen /Scanpix

Fredric Jameson. Larawan mula sa Wikimedia Commons/Tor Erik H. Mathiesen /Scanpix

Sa ganitong pagbubuo, bagamat kinikilala kapwa ang negatibo at positibo sa mga kalakal ng kulturang popular, malinaw na pangunahin pa rin ang negatibo, at dito naglilingkod ang positibo. Sa dulo, pinagtibay niya ang “hindi nababawasang kapangyarihan ng ideolohikal na pagbaluktot na naggugumiit kahit sa ibinalik na Utopyanong pakahulugan ng mga produktong pangkultura.” Ipinapaalala niya sa atin na “sa loob ng simbolikong kapangyarihan ng sining at kultura, nananatiling buo ang kapasyahang magdomina.”

Sa ganitong balangkas, walang problema kung kilalanin, at dapat ngang alamin, ang mga salik na positibo sa AlDub. Anu-ano kaya ito? Ang masaya at nakakakilig na pag-iibigan? Ang pagiging ispontanyo at hindi de-kahon ng kwento? Ang husay sa pag-arte ni Yaya Dub na pangunahin dito, ng ka-love team niya, at ng mga kasama nilang komedyante? Ang pyesta ng samu’t saring emosyon na inuudyukan ng palabas? Ang pagiging mura at “maskipaps” ng produksyon?

Nabanggit na rin lang ang komunidad, kasama rin ba ang komunidad at pagkakaisa sa social media at sosyedad sa kabuuan na binubuo ng mga tagahanga ng AlDub? Ang saya sa sinusubaybayang kwento, kahit pantasya pa nga? Ang kakayahan ng mga manonood, totoo man o hindi, na mag-impluwensya sa kwento?

Hindi rebolusyonaryo ang mga ito, pero pwedeng igiit na mas karugtong ng mga prinsipyo at layunin ng sosyalismo at mga sosyalista kaysa ng kapitalismo at mga kapitalista. Hindi ito mag-uudyok ng pag-aalsa ng masa, pero magagamit para maglinaw ng mga batayan, at pag-alabin ang mga batayan, ng naturang pag-aalsa. Maaaring tawaging “pilit” ang ganitong pagsusuri, o kumukudkod sa sahig ng kaldero kumbaga – naghahanap ng progresibo kung saan wala. Pero ito ang tinutumbok kapwa ng diyalektikal na pagsusuri at pagtitiwala sa masa.

At kahit kinilala ang positibo sa kalyeserye, kailangang iwasan ang pagmamalabis. Ang positibo ay ang pagmamahal na hindi nasasagkaan ng uring panlipunan, hindi ang pag-aasam sa karelasyong mas nakakaangat sa buhay. Ang positibo ay iyung nilalaman ng kalyeserye, hindi ang husay ng mga kapitalista sa likod ng programa. Hindi rin dapat pangaralan ang mga aktibista na manood dito para maunawaan ang masa, dahil marami sa kanila ang kasama ng masa bilang mga organisador sa mga sakahan, empresa, komunidad, at paaralan.

Pero sa dulo, mas kaligayahan at pagkakuntento sa kasalukuyang lipunan ang dulot ng AlDub. Ang ligayang hatid nito, katulad ng papremyo ng “Juan for All, All for Juan” na sinusundan nito: sa isang banda’y pantawid ng mga maralitang tumatanggap sa araw-araw na hirap ng buhay, sa kabilang banda’y pantawid din sa buhay ng sistemang panlipunan na nagpapanatili sa kanilang mahirap.

Hindi naman talaga nag-uudyok ang AlDub ng pagiging kritikal sa naghaharing bulok na sistemang panlipunan at sa pagkilos para baguhin ang huli. Na hindi dahilan para todong tuligsain ito, sa batayan man ng kung anong elitistang kultura o ng progresibong pulitika, sa harap ng pagiging popular nito sa masa. Pero kailangan ding balansehin ang mga pagkilala at papuri, at linawin ang direksyon ng huli.

Joey de Leon ng Eat! Bulaga, hawak ang dalawang pahayagang laman ng balita ang penomenong Aldub. Larawan mula sa Instagram account ni De Leon.

Joey de Leon ng Eat! Bulaga, hawak ang dalawang pahayagang laman ng balita ang penomenong Aldub. Larawan mula sa Instagram account ni De Leon.

Sa isang banda, karugtong ang lapit ni Jameson ng lapit ni Karl Marx mismo sa dominanteng pormang ideolohikal sa panahon niya, ang relihiyon. Kasabay ng notoryus na pahayag ni Marx na ito “ang opyo ng mga tao,” sinabi niyang “Ang relihiyosong pagdurusa ay, magkapanabayan, ang ekspresyon ng tunay na pagdurusa at isang protesta sa tunay na pagdurusa. Relihiyon… ang puso sa walang-pusong daigdig, ang kaluluwa ng walang-kaluluwang mga kalagayan.”

Inilatag ni Jameson ang kanyang lapit sa kulturang popular sa unang bahagi ng dekada ’80, panahong naging dominante at umaarangkada ang mga patakarang neoliberal sa mundo. At ano ang iba pang salik ng neoliberalismo maliban sa pangunahing pagbawi sa mga tagumpay na nakamit ng pakikibaka ng mga manggagawa at mamamayan ng daigdig, at pagpapatindi ng pagsasamantala at pandarambong, sa layuning palakihin ang tubo ng malalaking kapitalista sa panahon ng krisis ng labis na produksyon?

Marami, pero may dalawang mahalaga sa paksa ngayon. Una, ang paglaganap at panununuot pa nga ng kulturang popular na Amerikano sa buong mundo, sa tulong na rin ng mga abanteng teknolohiya, at sa kapinsalaan ng mga alternatibo at sumusulong (emergent) na kultura. Ikalawa, ang matinding pag-atake sa mga kilusang manggagawa at kilusang Kaliwa sa buong mundo, kasama na ang mga kulturang nililikha at pinapalaganap nila.

Sa ganitong kalagayan, sa pagtingin ko, kailangan ding lumangoy, marahil ay pana-panahon, sa kulturang popular ng Kaliwa para maiahon ang masa sa mas progresibong pulitika. Ito ang itinuturo ng mga talakayan hinggil sa AlDub, na dumudulo sa lapit ni Jameson. Sa pagharap sa kulturang popular, mahalaga ang paglangoy, pero mahalaga rin ang pag-ahon.

04 Oktubre 2015
Galing ang mga sipi kay Jameson sa libro niyang The Political Unconscious [1981] at sa “Marxist Hermeneutics,” panayam niya kay Ma. Luisa F. Torres, na nalathala sa Diliman Review [Nobyembre-Disyembre 1985].

Miriam at Bise

$
0
0
Sen. Miriam Defensor-Santiago. Larawan mula sa kanyang Facebook page

Sen. Miriam Defensor-Santiago. Larawan mula sa kanyang Facebook page

Nang makita ko ang kamao sa icon ng kandidatura sa Senado ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, naalala ko ang kamao sa logo ng People’s Reform Party. Ang PRP, syempre pa, ang partido ni Miriam Defensor-Santiago noong tumakbo siyang pangulo noong eleksyong 1992. Ang una, malapit sa puso ko ngayon; ang ikalawa, malapit sa puso ko noon.

Hindi pa ako botante noon, pero katulad ng maraming estudyante sa panahong iyun, humanga at sumuporta ako kay Miriam. Matapang, matalino, kontra-korupsyon, Numero Uno sa mga sarbey, sino ang hindi susuporta sa kanya? Nalungkot ako noong natalo siya at hanggang ngayon, naniwala akong dinaya siya. Bukod pa sa marumi silang maglaro at sinamantala nila ang talino niya para palabasing “sumobra” ito, bagay na may kakaibang kahulugan sa ating kultura.

Pero nagalit ako sa kanya noong 2001. Hindi lang siguro dahil sumuporta siya kay dating Pang. Joseph Estrada, kundi dahil nagtapang-tapangan siya sa pagsuporta rito – nagsabing tatalon sa eroplano kung mapapatalsik ito – para basta na lang kutyain ang pangako, o banta, sa dalawang salita at malutong na halakhak pagkatapos: “I lied.” Hindi lang siguro dahil nagsalita siya sa Edsa 3 noong nasa Edsa Shrine pa ito, kundi dahil nag-udyok siya ng “Sugod! Sugod!” patungong Malakanyang. Maraming masa ang namatay at nasaktan.

Matapos ang umano’y “pagbabagong-loob” bunsod ng pagkamatay ng anak niya, sinuportahan niya ang buong pagkapangulo ni Gloria Macapagal-Arroyo, kahit paminsan-minsang tumutuligsa rito dahil sa iba’t ibang isyu. Tuluyan na akong nawalan ng amor sa kanya.

Pero noong makalawa, humatak ng saya at kilig ang pag-anunsyo niya na tatakbo siyang pangulo. Sa muling mainit na pagyakap sa kanya ng maraming kabataan sa social media, parang naiwan na niya ang mga multo ng nakaraan. At kahit akong dating tagahanga ay namangha – sa husay niyang magbagong-anyo at umangkop sa bagong panahon bilang pulitiko, at sa kakatwang takbo ng pulitika sa Pilipinas.

Ang sabi ng iba, maganda siyang pangulo, dahil kahit paano’y may aliw, entertainment value. Hanggang inanunsyo niya kung sino ang bise-presidente niya kahapon at gumawa ng masamang biro sa sambayanan.

Ang sabi ng iba, maganda siyang pangulo, dahil matalino. Hanggang kahapon, na siyang nagpakete sa sarili bilang isa sa pinakamatalino ay gumawa ng hakbangin na sa pamantayan ng maraming tagahanga ng talino ay pinakabobo.

May kwento – sa librong Days of Disquiet, Nights of Rage ni Jose F. Lacaba ba iyun? – tungkol sa pagpabor ni Hukom Miriam sa mga aktibistang ikinulong at kinasuhan ng kapulisan sa bisperas ng deklarasyon ng Batas Militar. Mahilig lang ba siyang kumontra sa popular na opinyon kaya kinuha niya ngayong bise ang anak ng nagpataw ng Batas Militar, sa panahong marami ang kumokondena rito?

O mas matindi ang pagkakamali? Dahil sa naging takbo ng pulitika, wala na siyang pakialam sa kaibahan ng inaapi at nang-aapi? At, syempre, ng tama at mali?

16 Oktubre 2015

Ang Kalaban ng Bayan sa 2016

$
0
0

Noong eleksyong 2010, sinikap ng Kaliwa, sa abot ng makakaya nito, na ang kampanya sa eleksyon ay maging tungkol sa pagpapatalsik sa kinasusuklamang pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo. Ibig sabihin, pagkondena sa kanyang matitinding krimen sa sambayanan at mga patakarang kontra-maralita, at paghadlang sa pagtatangka niyang magpatuloy sa kapangyarihan sa pamamagitan man ng Charter Change o pagluklok sa inendorso niyang si Gilbert Teodoro.

Mahalaga ang pariralang “sa abot ng makakaya” sa itaas, dahil hawak naman talaga ang eleksyon ng malalaking kapitalista at haciendero na sunud-sunuran sa US, at sekundaryang larangan lang ito ng pakikibaka para sa Kaliwa. Alam natin ang aktwal na nangyari: biglang namatay si dating Pang. Cory Aquino at ang pagluluksa sa pagkamatay niya ay naging pagsasakdal-protesta laban kay Arroyo. Sa ganitong kalagayan nagdeklarang tatakbo sa pagkapangulo ang anak niyang si Noynoy. Nagkaisa ang pinakamalalaking kapitalista at haciendero sa pagsuporta sa kanya at, gamit ang kanilang midya, inilarawan siya na tunay na kalaban ni Arroyo.

Sinikap ng Kaliwa na makipag-ugnayan sa batang Aquino para sa posibleng pakikipagtulungan, pero todong tumanggi ito. Sinisikap pa noon ng kampo niya na baligtarin, at palabasing ang Kaliwa ang galit at ayaw makipag-usap sa kanya. Pero limang taon pagkatapos, ngayon, malinaw na kung sino ang malalim ang galit kanino. Malinaw kung sino ang tumangging makipag-usap kanino at sumabotahe pa nga kahit sa matagal nang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng gobyerno.

Sa ganitong kalagayan, sinuportahan ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan ang isa sa mga nangungunang kandidato noon sa pagkapangulo, si Manny Villar. Ang lantad na batayan: pagkakaisa sa plataporma. Pero malinaw na para sa Makabayan, nasa balangkas ito ng pagtapos sa paghahari ni Arroyo at pagpreno man lang sa mga patakaran niya, na pawang mapaminsala sa nakakarami.

Anu’t anuman, dahil si Villar ang nangungunang kalaban noon, pinuntirya siya ng makapangyarihang makinaryang pampropaganda ni Aquino, at pinalabas na siya ang lihim na kandidato ni Arroyo – kaya “Villarroyo.” Kaakibat nito, kinutya ang Makabayan, at ang buong Kaliwa, ng mga propagandista ni Aquino na napasubo sa pagsuporta sa kandidato ni Arroyo, kundi man, hindi na kinilabutan, aktwal na kasabwat ng huli.

Nakatala sa kasaysayan ang pagsisikap ng Makabayan at Kaliwa na hikayatin-itulak si Villar na magsalita laban kay Arroyo, para pasinungalingan ang akusasyon, pero masyado nang huli at masyadong mahina ang ginawa niyang pagtuligsa. Sa dulo, hindi man naniwala ang Kaliwa na si Villar ang lihim na kandidato ni Arroyo, ito mismo ang nagsabing isa iyan sa mga dahilan kung bakit siya natalo – ang pagtanggi niyang tuligsain si Arroyo.

Nagawang angkinin ni Aquino, na huli at bahagya lang lumaban kay Arroyo, ang pakikibaka laban dito. Mula sa ganitong pag-angkin, inatake niya ang kandidato sa pagkapangulo na inendorso ng Makabayan, at ang Kaliwa mismo. Sa kabila iyan ng katotohanan na ang Kaliwa ang pinakamaaga at pinakapursigidong lumaban kay Arroyo, magiting na humarap sa pinakamarurumi at pinakamatitinding atake nito tulad ng ekstrahudisyal na pagpaslang, militarisasyon at mga paglabag sa karapatang pantao. Sa paglaban sa rehimeng Arroyo, hindi lang matatalim na salita kundi puspusang pakikibaka ang ginawa ng Kaliwa, buhay man ay ialay.

"Koalisyong

Koalisyong Makabayan at si Neri Colmenares: patuloy na kumakatawan sa alternatibong pulitika sa bansa. PW FIle Photo/Pher Pasion

Mahalagang magbalik-tanaw sa eleksyong 2010 para linawin ang isa sa mga pangunahing motibo ng Makabayan sa pag-endorso ng kandidato sa pagkapangulo noon – ang mag-ambag sa paglalantad at paglaban sa nakaupong pangulo, paghadlang sa patuloy niyang pananatili sa pwesto, at pagpreno man lang sa pagpapatupad sa kanyang mga patakaran. Natabunan ang motibong ito ng naging takbo ng mga pangyayari sa eleksyong iyun, ngunit mahalagang muling ipakita sa harap ng eleksyong 2016.

Matindi ang labanan ng mga paksyon ng naghaharing uri ngayong eleksyong 2016, dahilan para marami sa kanila, kung hindi man lahat sila, ang manligaw sa suporta ng Makabayan. Maaaring may gampanang malaking papel ang Kaliwa sa halalang ito, at dapat gamitin ng Kaliwa ang naturang papel nang makabuluhan – kahit pa sekundaryang larangan lang ang eleksyon para rito at wala itong ilusyong napakabuti sa maralita at mamamayan ang magiging resulta.

Sa eleksyong 2016, malinaw na ang nakaupong pangulo, at ang inendorso nitong isa sa mga nangungunang kandidato sa pagkapangulo, ang kalaban ng sambayanan at sa gayon ay ng Kaliwa. Wala silang idudulot kundi ang pagpapatindi ng nagaganap na gera kontra-maralita sa ekonomiya at pulitika ng kasalukuyang gobyerno. Isang mayor na hamon at tungkulin sa sambayanan at sa Kaliwa ang iwaksi ang pangulo at ang inendorso niya. Mahalagang idagdag na may potensyal na magtagumpay sa layuning ito ang sambayanan at ang Kaliwa.

Presidential frontrunner, Sen. Grace Poe: Kasangga ng Makabayan sa maraming paninindigan. <b>Jaze Muring Marco</b>

Sen. Grace Poe: Kasangga ng Makabayan sa maraming paninindigan. Jaze Muring Marco

Para sa eleksyong 2016, inendorso na ng Makabayan si Sen. Grace Poe. Na hindi nangangahulugang naging Kaliwa na siya, syempre pa, at ipinapakita iyan ng ilan niyang pahayag. Pero ang batayan, ayon mismo sa Makabayan: “Komitment sa platapormang nagtataguyod ng makabuluhang repormang sosyo-ekonomiko at pulitikal; mabuting rekord bilang lingkod-bayan; at pagiging bukas sa pakikipagtulungan sa mga progresibong pwersa.”

Nakatulong syempre na sa kabila ng nangunguna niyang pwesto sa mga sarbey, malakas na makinarya, at hatak sa iba’t ibang pwersang pampulitika, maagap, bukas at tuluy-tuloy niyang kinausap ang Makabayan para sa iba’t ibang porma ng pagtutulungan. At isa na nga diyan ang pagtakbo ni Neri Colmenares, kandidato sa pagka-senador ng koalisyon, sa kanyang tiket.

Kung matatandaan, niligawan nang todo at napakapubliko ni Aquino si Poe para tumakbong bise-presidente ni Mar Roxas, na siyang inendorso ng pangulo. Pero malinaw at napakapubliko rin, syempre pa, ng naging pagtanggi ni Poe sa alok. Sa kabila iyan ng “guns, goons, gold,” mga sarbey, midya, at iskema ng pandaraya na maaaring maitulong ni Aquino sa kanyang kandidatura. Malinaw na indikasyon ang pagtanggi niya na ang hangad niya ay pagkapangulo, hindi alinmang posisyong mas mababa.

Sa aktwal at potensyal na pakikipagtulungan sa Makabayan, at sa pagbubuo ng platapormang pinagsasaluhan dito, pinag-iba na ni Poe ang sarili kina Aquino at Roxas. Kung itutulak ang lohika ng plataporma, masasabing handa si Poe na pigilan ang ilang mayor na patakaran nina Aquino at Roxas at banggain pa nga ang mga ito: pagbarat sa sahod, pagpiga ng malaking buwis, pagkaltas sa badyet ng mga serbisyong panlipunan, todo-gera sa mga rebeldeng grupo.

Bukod pa diyan, si Prop. Jose Maria Sison ng Kaliwa na rin ang pumansin: “napatunayan na ni Poe ang kanyang katatagan sa Senado sa mga mayor na isyu gaya ng Mamasapano, [PNP chief Alan] Purisima, at ang kapalpakan sa MRT” – na pawang nakaturol kina Aquino at Roxas. Ito aniya ang dahilan kung bakit naging Numero Uno siya sa mga sarbey.

Sa pagdedesisyon ng Second Divison ng Commission on Elections nitong Disyembre 1 na hadlangan si Poe sa pagtakbong pangulo, lalong lumaki ang pagkakahati niya sa pangkatin nina Aquino at Roxas. Hindi naman kailangang maging henyo, bukod pa sa aktwal na ebidensya, para matukoy na ang naturang pangkatin ang nasa likod ng mga kaso ng diskwalipikasyon laban kay Poe. Nagsalita na rin sina Aquino at Roxas na ipinagtatanggol ang desisyon ng Second Division ng Comelec.

Kaya maaasahang lalo pang lalaki ang pagkakahati. Buhong na buhong na si Roxas na matupad ang buong-buhay na pangarap niya na maging pangalawang kapamilya na nailuklok sa Malakanyang. Sa harap ng tuluy-tuloy na mababang ranggo sa mga sarbey at lantad na kawalan ng kahit anong dating sa masa, tiyak na gagawa siya ng maruruming pakana laban sa pangunahin niyang katunggali.

Ang suma-tutal, itinutulak ng mga pangyayari ang pagtampok ng motibo ng Makabayan sa pag-endorso ng kandidato sa pagkapangulo, o kay Poe sa partikular: ang lalong ilantad ang mga patakaran ni Aquino, tapusin ang paghahari niya na tiyak na todo-todong ipapagpatuloy ni Roxas, at ipatigil man lang ang mga patakaran niya na pawang kontra-maralita, kung hindi pa man ibasura ang ilan dito. Walang ilusyon ng malawakang pagbabago o pagtatagumpay ng pakikibaka, kundi tanaw na magkaroon ng ginhawa, kahit pansamantala, para sa sambayanan, at magkamit ng maliit na hakbang pasulong sa pakikibaka.

Sen. Grace Poe: Paglaban para sa foundlings o natagpuang sanggol na walang magulang. <b>Jaze Muring Marco</b>

Sen. Grace Poe: Paglaban para sa foundlings o natagpuang sanggol na walang magulang. Jaze Muring Marco

Kaugnay ng katayuang ligal ng mga kaso laban kay Poe, magandang basahin ang malinaw na tindig ni dating Chief Justice Artemio Panganiban sa dalawa niyang kolum. Aniya, “nagmumula ang natural-born citizenship o pagkamamamayan ni Sen. Poe hindi sa pagkakaampon sa kanya kundi sa katanggap-tanggap sa pangkalahatan na mga prinsipyo ng pandaigdigang batas hinggil sa ipinagpapalagay na pagkamamamayan ng mga foundling o batang napulot.” Sabi pa niya, “naniniwala akong malalampasan ni Sen. Poe ang rekisitong 10-taong paninirahan pagdating ng Araw ng Eleksyon, Mayo 9, 2016.”

Pero, gaya ng maraming bagay sa ating bayan, hindi ang wastong interpretasyon ng batas ang mananaig sa mga kasong diskwalipikasyon laban kay Poe, kundi ang pulitikal na kagustuhan ng mga may hawak ng batas. Kung talagang desperado sina Aquino at Roxas, hahanap at hahanap ang kanilang kampo ng butas para idiskwalipika si Poe nang tuluyan. At talagang desperado na sila.

Ibig sabihin, pulitikal at hindi ligal ang isyung ito. Mas mahalaga ang pampublikong opinyon at pampulitikang presyur kaysa matalas na pagbasa sa batas. Ibig sabihin, ayaw man ni Poe na palakasin ang paglaban kina Roxas at Aquino, ang dalawa na mismo ang nagtutulak sa kanya para gawin iyan mismo.

Mayor Duterte, dinumog ng midya matapos ang pag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo. <b>Boy Bagwis</b>

Mayor Duterte, dinumog ng midya matapos ang pag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo. Boy Bagwis

Paano naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte? Totoo at walang duda, may mahaba, mahusay at hindi matatawaran siyang rekord ng pakikipagtulungan sa Kaliwa.

Pero hindi nakatulong na huli siyang nagpasya kumpara sa pagpapasya ng Makabayan. Malayo na ang inabot ng pakikipag-usap kay Poe, at sa katunaya’y naideklara na ng Makabayan ang suporta kay Poe, bago siya nagdeklara. Kailangan ding ilinaw na bagamat may mga tindig siya na pareho sa tindig ng Kaliwa, makikita sa mga pahayag niya na hindi purong plataporma ng Kaliwa ang dala niya para tumanggap ng awtomatikong suporta mula rito.

Balita ngayong umaga ang pangunguna niya sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Stations na ginawa lima hanggang anim na araw matapos niyang magdeklara ng pagtakbo. Lumalabas na nakatulong sa kanya ang huling pagdedeklara ng kandidatura, at ang walang patid na pagsubaybay rito ng midya. Maaaring mas marami ang nahatak niya kumpara sa mga nanlamig ang suporta bunsod ng pag-uurong-sulong niya sa pagtakbo at huling pagdeklara.

Hindi pa saklaw ng sarbey ang panahong nagpakawala siya ng maraming kontrobersyal na pahayag: tungkol sa pagsugpo sa kriminalidad, pambababae, Simbahang Katoliko at iba pa. Ngayon, malinaw na binawasan na niya ang ganyang mga pahayag. Maaaring nagmumula ito sa pagkilala na ang naturang mga pahayag ay maaaring aliw kapag sinasabi ng isang lokal na pulitiko, pero asiwa para sa marami kapag sinasabi ng isang kandidato sa pagkapangulo.

Sa pangunguna niya sa sarbey, tiyak na papatindihin ang pag-atake sa kanya ng ibang kandidato sa pagkapangulo, pangunahin ang kampo ni Roxas. Tiyak na mauungkat ang samu’t saring isyu laban sa kanya, at dapat niyang labanan nang malakas ang mga ito.

Anu’t anuman, may batayan pa ring maniwala sa pagsusuri ng komentaristang si Inday Espina-Varona, na taliwas sa pahayag ng kampo ni Duterte, wala siyang malaking kakayahang pampinansya. Isang malinaw na ebidensya ang kawalan niya ng tiket ng mga kandidatong senador. Tiyak na may epekto ito sa kakayahan niyang maglunsad ng isang pambansang kampanya.

Gaya ng paulit-ulit na ipinakita ng eleksyon sa Pilipinas, mas mahalaga kumpara sa popularidad sa sarbey sa maagang bahagi ng kampanya ang pagkakaroon ng malakas na kakayahan para sa isang pambansang kampanya. Maaaring ang kawalan niya ng naturang kakayahan ay napagtatakpan ng ingay ng kampanya niya ngayon, pero tiyak na lalabas din paglaon. Posibleng kapusin ng hangin ang kanyang kampanya habang lumalapit ang araw ng eleksyon.

Sa dulo: Tama na si Aquino! Sobra na kung may Roxas pa! Palitan na!

05 Disyembre 2015


 

Mad Max Masyado

$
0
0

Bago pa man matapos ang 2015, itinatanghal na ng mga kritiko sa ibang bansa ang Mad Max: Fury Road na pinakamagandang pelikula ng taon. Nitong Disyembre ko lang napanood ang obra ni George Miller, direktor ng mga seryeng Mad Max at Happy Feet, at may batayan, sa tingin ko, ang mga kritiko sa kanilang mga papuri, kahit mula sa perspektibang progresibo.

Una, ang kontrabidang si Immortan Joe ay inaakusahang nangwasak sa daigdig at may monopolyo sa tubig at halaman. Naghahari siya sa malayong hinaharap, matapos gawing mala-disyerto ang modernong sibilisasyon ng delubyong nukleyar. Sa ilalim ng kanyang “Citadel,” kaharian sa isang mataas na bundok, dumudulog ang mga taong naiwan, na marami pa rin, para humingi ng limos niyang tubig. Gumagamit siya ng hukbong pandigma para protektahan ang kanyang kaharian. Hindi mahirap makita sa kanya ang mga monopolyo-kapitalistang naghahari sa mundo ngayon: tuluy-tuloy na nagmomonopolyo ng mga rekursong nakakabuhay sa sangkatauhan, sumusupil sa mga lumalaban, at nakadireksyong wasakin ang mundo.

Ikalawa, at spoiler agad ito, tinalo siya nina Imperator Furiosa (Charlize Theron), Max Rockatansky (Tom Hardy) at mga kasamahan. Nanguna si Furiosa sa pagtakas sa Citadel gamit ang War Rig, sasakyang pandigma ni Immortan Joe, kasama ang mga sex slave at paanakan ng huli. Si Max, rebelde kay Immortan Joe na nauna nang nadakip, ay nagawang umanib kina Furiosa matapos isama sa pagtugis ni Immortan Joe sa War Rig — bilang bihag na pampataas ng morale ng kanyang hukbo. Hawak ni Immortan Joe ang yaman at kapangyarihan, kasama na ang malaki at malupit na hukbong pandigma, pero tinalo siya nina Furiosa, Max, at mga kasamahan na ang tanging alas ay ang kapasyahan at kakayahang lumaban.

Ikatlo, interesante kung paano tinalo si Immortan Joe — bukod sa marami, mahahaba at nakakaatake-sa-pusong bakbakan. Nagsimula ang tunggalian sa pelikula sa pagtakas nina Furiosa para pumunta sa “Green Place” — isang buhay na lugar na pinanggalingan at natatandaan niya kung saan nakakabuhay ang klima at may tubig at halaman. Matapos ang maraming buwis-buhay na habulan at labanan papunta, natuklasan nina Furiosa, Max at mga kasamahan na wasak na rin ang Green Place, naging isa nang matubig, maputik at madilim na lugar. Sa puntong ito sila nagpasya-naobligang bumalik sa pinagmulan para agawin ang Citadel kay Immortan Joe.

Para sa may kahit bahagyang kaalaman sa paghahari ng malalaking kapitalista sa mundo ngayon, hindi mahirap makita sa kalagayang pinaghaharian ni Immortan Joe ang tinutungo at posibleng kahantungan ng daigdig. Tuluy-tuloy ang pagkopo at pagsasakalakal ng malalaking kapitalista sa mga rekurso ng daigdig na mahalaga o rekisito pa nga para mabuhay ang tao — pagkain, gamot, at tubig. Nito ngang 2015, nabalitang nagsimula nang tipunin ang sariwang hangin at ibenta bilang kalakal sa China.

Isang sukdulang hantungan ang paghahari ni Immortan Joe ng tinawag na “proseso ng pribadong pag-angkin ng yamang komon” at “nagpapatuloy na pulitika ng pag-angkin at akumulasyon sa pamamagitan ng pang-aagaw at pagkakait” ng Marxistang geographer na si David Harvey [Seventeen Contradictions and the End of Capitalism, 2014]. At ipinapaalala rin ng pelikula na kakambal ng ganitong mga proseso ang digmaan at ang pagpapaigting nito ng mga makapangyarihang bansa.

Mad Max PW 2015

Charlize Theron (pangalawa mula sa kanan).

Mahalaga naman ang pagkatuklas nina Furiosa, Max at mga kasamahan sa pagkasira ng Green Place at ang pagkatanto nila na kailangang agawin ang Citadel kay Immortan Joe. Agad maaalala ang utopyanong sosyalismo na kapwa hinangaan at kinritika nina Karl Marx at Friedrich Engels, partikular ang tipo na kinatawan ng industriyalistang Ingles ng ika-18 siglo na si Robert Owen. Sa isang banda, gagap ni Owen ang kaapihan ng mga manggagawa sa ilalim ng kapitalismo. Sa kabilang banda, ang alternatiba niya ay magbuo ng mga komunidad na hiwalay sa kapitalismo, pero kasabayang umiiral nito at sa aktwal ay sinubsidyuhan ng tubo niya sa pagnenegosyo.

Kahalintulad din ng pagkatuklas sa pagkawasak ng Green Place ang maraming krusyal na yugto ng kinakailangang pagbasag sa mga ilusyon sa kasaysayan ng mga rebolusyon para mas mapagpasyang harapin ang mga tungkulin para magtagumpay. Tampok marahil sa kaso ng Rusya ang pagwawaksi sa buhaghag na konsepto ng Partido at sa namumunong papel ng burgesya sa rebolusyon. Sa kaso ng China naman, ang pagwawaksi sa insureksyunismo sa maagang yugto ng pakikibaka.

Ipinapaalala rin sa partikular ang isang panawagan ni Mao Zedong na titulo ng isa niyang artikulo: “Iwaksi ang mga ilusyon, maghandang lumaban.” Sa artikulong ito na isinulat bago ang tagumpay ng Partido Komunista ng Tsina, binabasag ang mga ilusyon ng mga intelektwal ng China hinggil sa relasyon ng kanilang bansa sa mga imperyalistang bansa partikular ang US. Ang klasikong sipi: “Lumaban, mabigo, lumaban muli, mabigo muli, lumaban muli… hanggang sa tagumpay; iyan ang lohika ng sambayanan…” Dagdag pa niya, “Nagtutunggali ang mga uri, may uring nagtatagumpay, may ibang napapalis. Ganyan ang kasaysayan….”

O mensahe rin ito para sa mga maka-kalikasan o environmentalist na tumatanggi-tumatakas, sa teorya at praktika, sa papel ng makauring paghahari sa isang lipunan — partikular ang paghahari ng mga imperyalista sa kasalukuyang sistema — sa pagkawasak o pagpreserba ng kalikasan at sa gayon ng sangkatauhan at daigdig?

Ikaapat, may konsistent na pagsisikap ang pelikula na patampukin ang kalagayan ng kababaihan at, mas mahalaga, ang kababaihan sa paglaban. Isang indikasyon ang pagkuha sa feministang Amerikanong si Eve Ensler bilang konsultant sa pelikula. Si Furiosa ang namuno sa paghihimagsik, at siya ang tunay na bida ng pelikula, hindi si Max. Kasama niya ang mga kababaihang sex slave at paanakan ni Immortan Joe, na sa pag-alis ay nag-iwan din ng karatulang “Women are not Things!” bukod sa “Who Killed the World?”

Ang matagumpay na bumalik at nang-agaw sa Citadel ay pinagsamang grupo ni Furiosa at ng mga sex slave at paanakan ni Immortan Joe sa isang banda at ng matatandang kababaihan na dating residente ng Green Place, sa kabilang banda — mapagkalinga sa isat isa bagamat mga palabang mandirigma. Ang hukbong pinapamunuan ni Immortan Joe ay tinatawag na “War Boys” at hindi lang handa kundi sabik mamatay, dahil may islogang “I live, I die, I live again!” — nananalig sa pangakong buhay na walang hanggan kapag namatay sa digmaan.

Ipinapahaging ng pelikula ang feminista-pasipistang tuligsa ng feministang si Barbara Ehrenreich sa tinawag niyang “saray ng mandirigma” o “warrior caste.” Iba sila sa “karaniwang lalakeng militar” dahil “may pagmamahal sa gera na walang kinikilalang hangganan [at] hindi tumatanggap ng kapayapaan.” Para sa mga mandirigmang ito, ayon kay Ehrenreich nang sinisipi ang sosyologo na si Klaus Theweleit, ang gera ay “pagtakas sa kababaihan at lahat ng bagay na babae” — asawa, anak, pamilya, bahay, at kahit komunidad at trabaho [“Iranscam: Oliver North and the Warrior Caste,” 1987].

Pero sa pelikula, at katulad marahil sa tunay na buhay, natapos ang gera hindi sa simpleng pagtatatwa nito, gaya ng panawagan ni Ehrenreich sa kanyang sanaysay, kundi sa aktwal na pagsabak at pagtatagumpay rito. At sa pelikula, matibay ang dahilan para sa digmaan: parehong kalayaan at kaligtasan — hindi sa pakahulugan ng relihiyon kundi ng disaster, para mailigtas ang sariling buhay.

PW Mad Max Brady

Tom Brady bilang Max Rockatansky.

Nakakapagpaisip sa pelikula ang usapin ng grupo ng mga tao na magsusulong ng pagbabago o ang tinatawag na “agency.” Tampok sa pelikula ang kababaihan, at nabanggit na rin lang ang mga utopyanong sosyalista, matatandaan si Friedrich Engels sa Sosyalismo: Siyentipiko at Utopyano. Aniya, si Charles Fourier “ang unang nagdeklara na sa kahit anong lipunan, ang antas ng paglaya ng kababaihan ay ang natural na sukatan ng paglaya sa pangkalahatan” — bagay na idineklara rin ni Karl Marx.

Sa isang pagtingin, ipinapakita ng pelikula ang pananaw ng Marxistang historyador na si Eric Hobsbawm, na nagsabing ang akmang simbolo ng karaniwang tao sa ika-20 siglo ay ang nanay at kanyang mga anak. Aniya, “Ang mga tao na may pinakamaraming pagkakatulad ay ang mga nanay, saanman sila naroon sa daigdig, at sa kabila ng kanilang magkakaibang kultura, sibilisasyon at wika [On the Edge of the New Century, 2001].”

Sa pelikula, hindi nakasama nina Furiosa, Max at kasamahan ang nakakaraming natitirang tao sa paglaban kay Immortan Joe, bagay na nakakapagpaisip kung sino ang kinakatawan ng mga lumaban sa isang banda at ng mas maraming tao sa kabila. Bagamat tampok ang papel ng kababaihan sa paglaban, o marahil dahil dito, pwedeng igiit na kinakatawan ng mga lumaban ang isang seksyon ng uring anakpawis.

Mahalaga ang mga paalala ng Marxistang kritikong pangkultura na si Terry Eagleton. Aniya, ang “proletaryo” ay galing sa salitang Latin para sa “sibol” o “offspring,” kaugnay ng mga taong “sa sobrang karalitaan ay walang ibang maipaglingkod sa Estado kundi ang kanilang sinapupunan,” mga kababaihang “nagpoprodyus… ng lakas-paggawa sa porma ng mga anak.”

Higit pa diyan, paliwanag niya, ang papel ng isang grupo ng tao sa moda ng produksyon ang magsasabi kung uring anakpawis sila. Ang uring ito, aniya, gaya ng mga sex slave at paanakan ni Immortan Joe na siyang nanguna ng rebelyon laban dito, ay esensyal sa sistema pero nasa laylayan nito, inaasahan ng sistema para mabuhay ito pero pinapatay nito. “Hindi mabubuhay ang kapitalismo kung walang uring anakpawis, habang hindi hamak na yayabong nang mas malaya ang uring anakpawis nang wala ang kapitalismo [Why Marx Was Right, 2011].”

Ikalima, may krusyal at nakakantig na bahagi ang pelikula tungkol sa pag-aalay ng buhay, ng hindi inaasahan, at nakakasorpresa pa nga, na tauhan galing sa kampo ng kaaway. Gaya ng pakikibaka, sigurado ang tagumpay ng paglaban nina Furiosa, Max at mga kasamahan; pero mahalaga kung paano magtatagumpay, at sa bahaging ito, mahirap maging spoiler.

Sa dulo, progresibo ba ang pelikulang Mad Max: Fury Road? Kung sa nilalaman, masasabing oo. Iyan din ang husga ko at ng maraming aktibista noon sa pelikulang Avatar. Pero hindi sang-ayon ang pilosopong Slovenian na si Slavoj Zizek: para sa kanya ang pelikula ay avatar — ilusyong pamalit sa reyalidad, nagpapahintulot sa manonood na makisimpatya sa mga rebeldeng Maoista sa India, halimbawa, habang tinatanggihan ang kanilang armadong pakikibaka.

Pero bakit nga ba hindi natin tanungin ang mga nagsusulong ng armadong pakikibaka mismo? Hindi naman kailangang si Zizek ang may huling paghusga sa usaping ito. At ayon sa isang kaibigan, taliwas sa husga ni Zizek, nakakapagpataas ng ahitasyon sa paglaban ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa maraming lugar sa Mindanao ang Avatar, at lagi nila itong pinapanood.

Sa ganitong diwa, sa mga rebeldeng NPA at lahat ng lumalaban sa mga Immortan Joe ng ating panahon, mapagkumbaba kong inirerekomenda na panoorin, at husgahan, ang Mad Max: Fury Road.

29 Enero 2016

 

Misunderstanding Duterte and the Philippine Left

$
0
0
duterte proclamation for president

Duterte and the Left: What gives? PW File Photo/Boy Bagwis

There’s this fascist politician who’s a formidable candidate for the presidency in the Philippines and he’s being supported by the authoritarian Philippine Left. That, in sum, is the general impression that “Rodrigo Duterte’s One-Man Revolution,” an essay published last February 19 in Jacobinmag.com authored by one CJ Chanco, leaves in the minds of the online publication’s international readers.

The impression violates facts and mangles the truth. And not only because the underground Communist Party of the Philippines (CPP) or any of the organizations associated with it, simply do not support the presidential candidacy of Davao City Mayor Rodrigo Duterte. But because, more importantly, Chanco plainly cannot make heads or tails of Duterte as a politician and presidential candidate, of the Philippine Left, and of the relationship between the two – something the verbosity of his article cannot cover up.

On the one hand, Chanco says that Duterte has “a way of sounding good to every possible audience,” has a “schizophrenic platform,” and has “years of mastery of the delicate balancing act required in the management of the testy politics characteristic of the nation’s war-torn southern frontier.” On the other hand, his description of the “vision” of Duterte’s “revolution” is more coherent and monolithic: “capitalism with Filipino characteristics, in other words, where a neoliberal economy and political authoritarianism combine with the utmost efficiency.”

In reality, Duterte’s stands on various issues do not form a coherent vision and are often contradictory. This February, he was praised by progressive peasant organization Kilusang Magbubukid ng Pilipinas for promising land reform and government support for farmers in one forum. The same group, however, immediately criticized him after he expressed agreement with 100 percent foreign ownership of lands in another forum just 12 hours after making his pro-farmer statements. He was also praised by progressive labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) after he declared opposition to contractualization. The same group, however, criticized him for calling for a stop to unionism, with Duterte even threatening to kill KMU unionists if they refuse to heed his call.

As a politician, he is congenial to both the Philippine Left and Ferdinand Marcos, the former dictator and the Left’s nemesis. Inday Espina-Varona, an astute observer of Philippine politics, notes that “The strongman accused of encouraging death squads in his city is also a staunch defender of human rights of activists.”

Duterte is therefore not a one-man revolutionary, either of the Left or of the Right. His character is immediately recognizable to those familiar with dominant politics in the Philippines: He is a traditional elite politician who is exceptionally pragmatic in his dealings with various forces in Philippine society. He is firm only on a single issue: peace and order. All his contradictory stands on different issues make sense only when seen from this lens.

Chanco makes the Davao politician appear bigger than he actually is. He makes it seem that Duterte’s appeal cuts across classes and claims that Duterte is “overwhelmingly popular,” even expressing fears about “the willingness of the majority to fall for his message.” He says that Davao City is like Singapore “in the minds of many,” that Duterte is compared with Lee Kuan Yew or Ferdinand Marcos, and that Duterte “has become something of a model for other mayors across the country.” He says that Duterte is similar to “a phenomenon echoed elsewhere, from the rise of far-right parties in Europe to Donald Trump in the United States.”

The reality is much more modest. While he has a solid, even fanatical, base of support, Duterte topped surveys only once, in early December, a small dent in the survey-engrossed dominant politics of the Philippines. That may be the result of his supporters’ clamor for him to run, which reached a crescendo on the deadline for the filing of candidacies and continued immediately after. His campaign is particularly strong on social media mileage – #du30 supporters are among the most active online, topping polls and flooding comment boxes and newsfeeds, rivaled only by the well-established machinery of the administration camp.

And yet, Filipinos have not been migrating to find work in Davao City in the same way that many Filipinos have migrated to find work in Singapore. Comparison with Lee Kuan Yew or Marcos may be part of Duterte’s publicity drive, but is not the popular view. Some people may be holding up Duterte as a model for mayors in the country, but he is not yet a widely-recognized example, and Chanco would be hard pressed to pinpoint a city mayor in the Philippines who is trying to emulate the Davao City mayor.

Espina-Varona pinpoints the Achilles’ heel of Duterte’s presidential run: “Duterte’s main problem remains the lack of financial big guns.” Which explains his lack of a senatorial slate and is a clear sign of his incapacity to mount a strong nationwide campaign. And that, in Philippine politics, does not augur well for a presidential candidate. Donald Trump-style rhetoric aside, one thing is clear: Duterte does not have Trump’s wealth, or that of Trump’s counterparts in the Philippines.

Chanco mentions the claim made by Prof. Jose Maria Sison, founding chairperson of the CPP whom Chanco accuses of still being the “CPP chairman,” about the Left’s “long history of engagement with the Davao mayor.” But he makes it appear that the Left wants to move closer to Duterte the presidential candidate, even to the point of abandoning the candidate whom it has endorsed earlier. He says the CPP’s “front organizations” want to “benefit” from Duterte’s “popularity,” seeing “in him a hope for a viable peace process.”

As a Davao politician, Duterte has indeed for the longest time been a good friend of the Left. As Sison himself states, “The local revolutionary forces in Davao City consider Mayor Duterte as someone they can negotiate with and make reasonable agreements with.” Duterte, pragmatic politician that he is, has maintained good relations with the Left, whose organized strength is most formidable in Davao City and the entire Mindanao island in general.

The truth is that the Makabayang Koalisyon ng Mamamayan or Makabayan, the progressive electoral alliance which Chanco accuses of being a CPP front, openly supports another presidential candidate, Senator Grace Poe, whom Chanco describes as “perhaps the sanest bet.” Sison’s statements favoring Duterte were made in recognition of his long-standing good relations with the Left, and do not mean a shift of support to him. In the first place, the CPP, as Sison states repeatedly, does not recognize the validity of the bourgeois elections and does not participate in the latter.

Contrary to facts, however, Chanco insists that the Left supports Duterte because “Duterte’s authoritarianism mirrors that of the CPP” – surely a candidate for the award for argumentative leap of the year. His lengthy analysis of Duterte is merely a wick for his bombshell of accusations against the Philippine Left – lazy accusations which are supported neither by facts nor arguments.

First off, while the Philippine Left is open to tactical alliances with most politicians, pointedly excluding the Marcos and Arroyo cliques, it takes particular pride in alliances with politicians who take nationalist stands on various issues and have the courage to speak out on these: senators Lorenzo M. Tañada, Jose W. Diokno, Teofisto Guingona, among others. If an alliance with Duterte is enough for Chanco to say that the Philippine Left shares his “authoritarianism,” then the Left’s alliances with the most nationalist and courageous politicians, which are its most visible alliances, merit deeper and greater consideration.

Chanco tellingly claims that the “authoritarianism” of the CPP “has become something of the reverse image of the state violence it ritually condemns” and adds that the CPP-led people’s war “has claimed thousands of lives and sapped energy, time, and resources from alternative means of political mobilization.”

This is most foul. Equating the violence of an armed Communist movement with that of the US imperialist-backed state of big comprador capitalists and landlords is definitely not progressive, let alone Marxist. It ignores the fundamental exploitation and oppression being maintained, even made worse, by that state as well as the people’s sovereign right to take up arms to defend themselves and bring down their oppressors. Chanco demonizes the armed struggle which, for all its weaknesses and even faults, remains morally superior to the violence of the reactionary state.

In the country’s history, the armed struggle did not get in the way of “alternative means of political mobilization” but has served as the main means of political mobilization that enabled other forms of political mobilization. It has become the chief means by which the peasant masses, and the toiling masses in general – who comprise the majority of Philippine society – have fought back and struggled for national and social emancipation. The 30th anniversary of the Edsa People Power uprising should remind us that the armed struggle waged by the New People’s Army, together with the underground organizations in the cities, both led by the CPP, served as the backbone of the struggle against the US-backed Marcos fascist dictatorship.

Chanco then rattles off the CPP’s supposed “defeats in the armed struggle,” losses in the “battle for hegemony,” weaknesses in “raising political consciousness or putting an inspiring alternative to the status quo,” “presidential campaign interventions” that “consist of slandering candidates in largely personal terms, often at the expense of a deeper, more structural analysis” – to pave the way for his recommendations.

The CPP would be the last to say that it does not have weaknesses or defeats. As a Maoist party, it subscribes to Mao Zedong’s belief that “conscientious practice of self-criticism” is a “hallmark distinguishing our Party from all other political parties.” It presents and addresses weaknesses and defeats in its anniversary statements and in numerous memoranda on various issues. Chanco’s description of the CPP’s weaknesses and defeats, however, are either too impressionistic when general (“raising political consciousness or putting an inspiring alternative to the status quo”) or too petty when particular (“slandering candidates in personal terms”).

The more important issue, however, is whether the Philippine Left’s weaknesses and defeats take precedence over its strengths and advances. Chanco himself admits that the CPP leads “the longest-running communist insurgency in Asia” and “remains the largest organized force on the Left” in the Philippines. And this, it must be emphasized, remains despite various forms of neoliberal attacks inflicted on its organized force and successive counter-insurgency programs.

To cite only examples pertinent to Chanco’s topic, the Philippine Left has been assiduously courted by all political groups running in the 2016 elections, whether in the form of statements favoring peace talks with the CPP or in actual initiatives for meetings. Duterte himself made various pro-worker, pro-farmer and pro-people statements in an effort to court the Left’s support.

Chanco does not see the entire picture when he says that the electoral “discussion” in the Philippines “has shifted so far to the right.” Opinion poll after opinion poll has shown that the electorate’s main concerns in the upcoming elections are a combination of higher wages, lower prices, more jobs, and less corruption – issues that directly mirror campaigns of the Left, and not the Right. And presidentiables are taking notice; as of this writing, for example, three out five of them have vowed to fight contractualization if they become president.

Even if we use Chanco’s standard of a movement’s weaknesses and defeats, therefore, there is no basis to his startling conclusion that the CPP “is a barrier to a new socialist politics in the Philippines.” Rather, it continues to be the only beacon of socialist politics in the Philippines.

His tone then shifts to a starry-eyed, wonderfully lofty ambition for “a new vision for the Philippine left” that includes “a new set of narratives for a democratic, pluralist alternative, in the best tradition of internationalism, principled political engagement, and solidarity.”

The recommendation sounds palatable, but what is Chanco really talking about, in concrete terms? Is he talking about the significant revolutions in history – the Russian, Chinese, Vietnamese and even the Cuban? Or is he merely mouthing vague generalizations with no clear historical referents? The phrases that Chanco uses have often been deployed precisely to attack the said revolutions waged in the name of Marx, Lenin and even Mao.

The histories of these revolutions have also been histories of successes and defeats, advances and retreats, and twists and turns. But also, and very importantly, of continued adherence to, and not abandonment of the ideas and ideals of the great Communist revolutionaries.

After making the statement that the CPP is a barrier to socialist politics in the Philippines, Chanco backtracks by saying that the “way forward” could only rest on “the CPP and its supporters” themselves. He calls for a “critical assessment” of the alleged “impasse” of the Philippine Left. In his Facebook posts explaining the essay, he claims that he only wants a “debate” on the topic.

Is publishing an attack piece in Jacobinmag.com the best way to seek such a debate or to call for a critical assessment? In an online publication that has published a similar attack piece months ago and, despite its claim to openness and democracy, refused to publish a critical rejoinder? Whatever Chanco’s intention, the objective effect is the same: contributing to the Philippine Left’s continuing demonization by a small band of intellectuals who fancy themselves to be progressive but in reality advance the interests of US imperialism and the ruling classes in the Philippines.

When Sison saw that the old CPP of 1930 has become “a barrier to a new socialist politics” in the Philippines, he didn’t write a critique of the old party in an international publication only to ask the same party to make an assessment and rectify its errors. He bolted out of the old party and built a new party in 1968 – with a people’s army and a united front alliance of progressive organizations to boot. Sison was criticizing the old party because he knew what needed to be done and had the courage to do it; Chanco has only misplaced criticisms and lacks the commitment to progressive politics and courage to build a “new socialist politics” in the country, whatever Chanco means by that phrase.

Where is Chanco coming from? Definitely not from Marxism. His approach is far from materialist in violating facts and the truth; he cannot speak truth from facts. His approach is undialectical in failing to identify and demonstrate relations as they develop in the historical process. And in confusing the Left with its enemies, he does not hold fast to class analysis, let alone to a class standpoint in viewing reality.

His essay abounds with academic left jargon: he says the Philippines has “an onerous liberal democratic system” which has a “rentier state” and is ruled by “bureaucrat-capitalism”; he does not problematize the overlaps and clashes in these concepts. He echoes Slovenian philosopher Slavoj Zizek’s plays with “capitalism with Chinese characteristics” in describing the alleged vision of Duterte for the Philippines. He situates his essay within progressive writings on the rise of Donald Trump and fascist parties.

Chanco is too enamored with faddish theories and topics of pseudo-progressive intellectuals abroad to the detriment of dialectics and materialism. The result: he fails to clearly understand and analyze his topics – Duterte, the Philippine Left, and, ultimately, Philippine politics.

28 February 2016

 

RogerNation Regeneration

$
0
0

Napuno ang UP Theater nitong Marso 29 ng mga nagbigay ng parangal kay Gregorio “Ka Roger” Rosal, dating tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines o CPP at mukha, para sa marami sa publiko, ng New People’s Army o NPA. Karamihan sa mga dumalo ay magsasaka, manggagawa, at maralita; marami ang naglakbay pa mula Timog Katagalugan.

Noong nabubuhay pa siya, isa nang alamat si Ka Roger. Sabi nga ng isang polyetong ipinamigay sa pagtitipon, naging biro sa hanay ng mahihirap na “isusumbong” sa kanya ang mga nang-aapi. Matagal at tuluy-tuloy ang pagsisikap ng militar na arestuhin o patayin siya, pero hindi ito nagtagumpay. Masasabing itong parangal ay tungkol sa pinakahuling kabanata ng nagpapatuloy niyang alamat.

Taong 2011 pa namatay si Ka Roger dahil sa karamdaman, pero ngayon lang dadalhin at ililibing ang mga abo ng kanyang bangkay sa bayang sinilangan niya, sa Ibaan, Batangas. Mainam ang tyempo: ang Marso 29 ay anibersaryo rin ng NPA, na kinasapian niya sa mahabang panahon hanggang sa kanyang pagpanaw.

Parada ng mga rebolusyonaryong miyembro ng National Democratic Front sa Quezon City kasama ang abo ni Ka Roger. <b>Boy Bagwis</b>

Parada ng mga rebolusyonaryong miyembro ng National Democratic Front sa Quezon City kasama ang abo ni Ka Roger. Boy Bagwis

Sa programang mahaba at malaman na puno ng mga awit, awit-galaw, tula, talumpati, bidyo, at iba pang malikhaing porma, sinariwa ang buhay at pakikibaka ni Ka Roger. Mas naipatimo ang kabuuang takbo ng buhay niya at ang mga katangian niya bilang rebolusyonaryo.

Ang kwento ng buhay ni Ka Roger hanggang sa panahon bago siya naging aktibista ay klasikong kwento ng magsasakang pinagkaitan ng oportunidad sa buhay. Nagtapos siya nang may karangalan sa elementarya at hayskul pero hindi siya nakapag-aral agad ng kolehiyo dahil sa kahirapan. Lalabas na nakapagkolehiyo rin siya, pero matapos ang ilang taon ng pag-iipon ng pera.

Sa isang bidyo, ikinwento niyang nakaambag sa pagkamulat niya ang hindi pagtanggap sa kanya bilang manggagawa sa isang pabrika ng kulambo sa kanilang probinsya. Sa kung anong dahilan, istiryutipo sa mga Batangueño ang pagbebenta ng moskitero, na dapat ipag-iba sa “musketeer.” Hindi siya tinanggap noong una dahil hindi siya tapos ng hayskul; noong ikalawa, dahil hindi siya umabot sa umano’y rekisitong tangkad. Ang pangyayaring ito, at ang alingawngaw ng radikalismo ng First Quarter Storm ng 1970, ang nagtulak sa kanyang maging aktibista.

Nadakip siya ilang buwan pagkadeklara ng Martial Law noong Setyembre 1972, nakulong nang limang buwan, matagumpay na tumakas, at pagkatapos ay sumapi sa NPA para hindi na umalis kahit kailan. Sa panahong iyun ng pambansang paglalatag ng CPP at NPA, naging mahalaga ang ambag niya sa pagkilos sa hugpungan ng mga rehiyong Bicol at Timog Katagalugan.

Isang lider-magbubukid galing sa huling rehiyon si Tat Pido Gonzalez, ang nagbigay-pugay sa “mga kasama,” sa mga NPA, na malaki ang naitulong sa mga magsasaka. Aniya, tumaas ang diwang palaban at pampulitikang kamalayan nila bunsod ng pagsisikap ng NPA sa kanilang hanay. Nagbago ang tugon nila sa mga mangangamkam ng lupa: kung noo’y tahimik na tumatangis, sabi niya sa wikang matulain, ngayo’y naghahasa ng itak. At masasabi ito ng mga magsasaka hindi lang sa Timog Katagalugan kundi sa buong bayan.

Tumining ang maraming detalye sa buhay ni Ka Roger. Na naging relihiyoso, at anti-komunista pa nga, siya bago naging aktibista. Na mapagpatawa siya at mapagkumbaba. Na simula’t sapul ay mahilig na siya sa radyo. Na kahit umagang-umaga at kahit naglalakad sa gubat ay nakikinig siya ng transistor radio.

Isang malaking positibo sa parangal ang pagpapalabas ng maraming bidyo ni Ka Roger in action, wika nga – hindi sa bakbakang militar, kundi sa bakbakang pampropaganda. Naging pagkakataon ito para maranasan, muli para sa marami at sa unang beses para sa iba pa, ang husay niya sa gawaing ito.

Sabi nga ni Juliet de Lima-Sison, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno, sa isang nakabidyong pahayag: “Napakalaking bentahe niya ang magsalita sa loob ng Pilipinas mismo, at mula sa hanay ng mga rebolusyonaryong pwersa at masa. Malinaw at tuwiran ang kanyang estilo ng pagpapahayag tungkol sa mga pinakamasalimuot na kalagayan at pagsusuri sa simpleng mga terminong gagap ng masa.”

Nagmarka, dahil siguro napapanahon, ang paliwanag ni Ka Roger tungkol sa “demokrasya” sa bansa kaugnay ng eleksyong magaganap noong kinapanayam siya. Ang umiiral raw sa bansa ay “demokrasya para lang sa may maraming pera.” Mapapaisip ka tuloy: kailan huling ginamit sa propaganda ang simpleng ekspresyong iyan? Pagkatapos, medyo nasamid na siya, pero mahihinuhang ang tinutumbok niya ay demokrasya para sa may “guns, goons at gold.”

Sa mga bidyong ipinakita, masasaksihan sa mga pahayag ni Ka Roger ang pag-aangkin sa dayuhang teorya ng lokal na reyalidad, ng pagsasanib ng talas ng rebolusyonaryong proletaryo at kasimplehan ng masang pesante, ng pagkakaisa ng sinasabing “Russian revolutionary sweep” at “kakuwanan” ng mga Pinoy. Malinaw ang layunin niya sa bawat pahayag: ang maunawaan ng nakikinig o nanonood mula sa kung nasaan sila sa aktwal, hindi kung saan sila posibleng naroon.

Sa parangal kay Ka Roger sa UP Theater sa UP Diliman. <b> Raymond Panaligan</b>

Sa parangal kay Ka Roger sa UP Theater sa UP Diliman. Raymond Panaligan

May bahagi sa programa na kiniliti ang interes ng mga nanonood sa pagkatagpo ni Ka Roger sa babaeng minahal at pinakasalan niya. Pero saglit lang ang kilig. Mas pumaksa na sa pagsasalikop ng kanyang buhay-pamilya, na sa kaso niya’y ibang-iba sa karaniwag pakahulugan sa salitang iyan, at ng rebolusyon.

Isa ring NPA ang kanyang asawang si Rosemarie Domanais, na napatay sa isang labanan noong 2011 sa Mauban Quezon.

Noong 1989, anim na taong-gulang pa lang ang kanyang panganay na si Andrea, dinukot ito ng militar, kasama ang lola nito. Pinilit itong manawagan sa radyo sa tatay niya para itigil na ang paglaban at sumuko na sa militar. Lumalabas na hindi sumunod si Andrea sa gusto ng militar; sa halip, pinuri niya ang ginagawa ng ama at nanawagan ditong ituloy ang paglaban. Lumang gawi na ng militar ang gamitin ang pamilya laban sa mga rebolusyonaryo, na muling ipinaalala ng ginawa nila kay Rebelyn, anak ni Leoncio “Kumander Parago” Pitao noong 2009.

Biglang-pasok ang nakarekord na pahayag ng isa pa niyang anak, hindi ipinakita ang mukha dahil sa pag-iingat sa seguridad. Ito, sa tingin ko, ang rurok ng buong parangal.
Higit sa paggunita sa mga personal na katangian ni Ka Roger, nanawagan siyang alalahanin ang kanyang ama sa pamamagitan ng pagtulad sa halimbawa nito sa iba’t ibang larangan sa pagsusulong ng rebolusyon.

Habang nagsasalita siya, maaalala ang kapatid niyang si Andrea Rosal, iligal na inaresto habang pitong-buwang buntis. Iligal na dinakip sa Metro Manila pero pinagbintangang NPA para mabigyang-katwiran ang pagkulong. Namatayan ng anak, si Diona Andrea, habang nakapiit. At pinalaya lang matapos umani ng malawak na pagkondena ang gobyerno at militar dahil sa ginawa sa kanya.

Halu-halong emosyon ang mararamdaman sa pakikinig sa anak ni Ka Roger. Sa nilalaman, nagsasanib ang parangal niya bilang anak at bilang kapwa-rebolusyonaryo ng kanyang ama. May magkakasabay na hibla ng damdamin sa boses niya. May tono ng seryosong pagmumuni sa lugar at kabuluhan ni Ka Roger sa pakikibaka. May lungkot sa pagkawala ng ama. At may tatag ng pagpupunyagi sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanilang pamilya, para sa pambansa at panlipunang paglaya.

Isinalin niya ang pighati sa pagkawala ng kanyang ama sa alab para sa rebolusyon. Tagos sa puso ang pananalita niya. Malinaw na huwaran ang buhay na tinatahak niya. Sa kanyang katauhan, parang nabuhay muli si Ka Roger.

Sa bahaging ito naging kongkreto – may luha, pawis at dugo – ang sinabi ng isa sa mga naunang nagsalita: Hangga’t walang tunay na pagbabago sa ating bayan, namatay man si Ka Roger, mag-iiba lang ang mga mukha at pangalan, pero laging may papalit at magpapatuloy sa paglaban.

Paghahatid sa huling hantungan ng abo ng Ka Roger sa Ibaan, Batangas. <b>Southern Tagalog Exposure</b>

Paghahatid sa huling hantungan ng abo ng Ka Roger sa Ibaan, Batangas. Southern Tagalog Exposure

Kung may kahinaan man ang parangal, iyan ay sa tunog; pana-panahong hindi marinig ang sinasabi sa entablado. Pero malayong sekundaryo na iyan, dahil malakas, sumisigaw, at tiyak na aalingawngaw ang mensahe nito.

Sa pamamagitan ng parangal, napagtibay at napagyaman ang alamat ni Ka Roger, at bilang bahagi ng tinatawag na “epikong bayan, ng digmang bayan” na patuloy pa ring kinakatha ng mga anak niya at ng mga kapatid nila sa pakikibaka. Isinasalin na sa pamamagitan ng bibig, tungo sa kamalayan, ang kwento niya.

Kahit sa pagpaparangal sa patay, bumubuhay ang rebolusyon ng dugo ng mga nagsusulong nito, at nanghihikayat sa pakikibaka ng maraming buhay. Isa pang patunay ng tiyak nitong pagtatagumpay.

31 Marso 2016

Survey Isang Buwan Bago Halalan

$
0
0

Naging usap-usapan ang survey ng Social Weather Stations para sa unang kwarto ng taon hinggil sa mga kandidato sa pagka-presidente at pagka-bise-presidente. Mahalaga ito, ayon sa mga tagamasid, dahil lumabas kulang-kulang isang buwan bago ang mismong halalan sa Mayo a-9. Kahit sa kritikal at matindi ang duda sa eleksyon, mahalaga ito kung maging kapani-paniwala o hindi ang posible, o malamang, na elektronikong pandaraya ng kampo ni Pang. Noynoy Aquino.

Sa unang pagkakataon ngayong taon, nanguna sa survey sa pagkapangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte (27%). Ganito ang pagkakasunud-sunod mula sa kanya: Sen. Grace Poe (23%), Vice President Jejomar Binay (20%), dating Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas (18%), Sen. Miriam Defensor-Santiago (3%). Sa isang balita, sinabi ng SWS na “statistically tied” – tabla, hindi magkatali – sina Duterte at Poe. Sa isa pang balita, sa Philippine Daily Inquirer, ganito rin ang sinabi ng SWS tungkol naman kina Poe at Binay.

Masasabi na siguro na ang pangunguna nina Duterte, Poe at Binay ay resulta ng botong protesta o protest vote laban kay Aquino at sa gobyerno niya. Lahat sila ay nakilalang tumuligsa kay Aquino at lalo na sa kandidato nitong si Roxas sa isang panahon. Lalong tumitibay ang ganitong pagbasa sa paglabas ng huling survey ng SWS tungkol sa todong pagbagsak ng popularidad ni Aquino sa parehong panahon bunsod ng naipong matitinding kasalanan niya sa sambayanan.

Karugtong ito kung bakit pang-apat si Roxas, partida na sa kanya at maysakit ang kahit paano’y nakakapagpatawa na si Defensor-Santiago. Alam na ng lahat na siya ang kandidato ni Aquino, at hindi ito nakakatulong sa kanya. Lumalabas na ang gusto ng mga Pilipino ay “pagbabago” mula kay Aquino kahit sa napakalimitadong pakahulugan ng eleksyon; ang armas ni Aquino noon laban kay Gloria Macapagal-Arroyo ay nakapuntirya sa kanya ngayon.

Bakit lumakas at nanguna si Duterte? Sa tingin ko, dahil sa tuluy-tuloy at pasabog, bagamat minsa’y mababaw, na pagtuligsa niya kay Roxas at minsan ay kay Aquino. Kung may umupak man nang malinaw kina Roxas-Aquino ngayong eleksyon, si Duterte na iyun. Sa iba’t ibang isyu sa panahon ng eleksyon, tumindig siya nang malinaw na taliwas sa dalawa. Isang rurok ang mga pahayag at aksyon niya kaugnay ng pagbaril at pagpatay sa mga magsasaka sa Kidapawan City nitong Abril 1, bagay na kinondena ng marami, gaya ng makikita sa social media.

Sa kabilang banda, mas pag-iba at hindi pagbangga ang ginagawa ni Poe kina Roxas-Aquino. Bukod sa “pagdidiin” niya kay Aquino sa pagdanak ng dugo sa Mamasapano at paghanay ng tagasuporta niyang Nationalist People’s Coalition sa pag-override sa veto ni Aquino sa panukalang dagdag-pensyon sa SSS, wala siyang prominenteng pagkontra. Madalas, kahanay pa niya sina Duterte at Binay sa mga posisyong taliwas kina Roxas-Aquino. Ang lumutang pa nga ay mga pahayag niyang pabor kay Aquino: tutol sa korupsyon, nagdulot ng kaunlaran, gagawing anti-corruption czar – dahilan para maakusahan siyang lihim na kandidato nito.

Bagamat umuupak din si Binay kina Roxas-Aquino, para sa marami ay nahuli na ito. Dapat ay ginawa niya ito noong kasagsagan ng mga mayor na isyung tumama sa gobyernong Aquino. Pagkatapos, siya talaga ang pinuruhan ng operasyon ng paninira – o mas eksaktong tawaging “pangwawasak” – nina Roxas-Aquino. Halatang umasa siya sa pinalutang na posibleng pagsuporta ng magkakapatid na Aquino, o sa hindi pagtodo ng pag-upak nina Roxas-Aquino sa kanya. Mali ang kanyang tantya at ano man ang dahilan ay hindi siya epektibong nakasalag.

Sa eleksyon sa Pilipinas, kakambal ng popularidad ang suporta ng malalaking kapitalista – bilang tagapagpondo para maging popular o bilang ani mula sa pagiging popular. Sa kaso ni Poe, nalantad nitong nakaraan ang matagal na namang alam ng marami – na sinusuportahan siya ng malaking kapitalistang si Danding Cojuangco, dating kroni ng diktador na si Ferdinand Marcos. Syempre pa, hindi kapani-paniwalang walang kapalit ang ganitong pagsuporta.

Sa kaso ni Duterte, nagsimula siyang tila walang suporta ng malalaking kapitalista. Pero makikita sa propaganda at mga patalastas niya ang pagbuhos ngayon ng suporta. Katas na kaya ito ng pangako niyang “papatayin” ang mga unyonista sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno at pagpayag sa dayuhang pag-aari sa lupa sa Pilipinas kapag nahalal? Nitong huli, mga kapitalistang Tsino naman ang kinakabig niya sa pagposisyon niya sa alitang teritoryal ng Pilipinas at China. Halata rin, simula’t sapul ng kampanya niya, ang suporta ng kampo ni Macapagal-Arroyo mismo.

May dalawang Duterte: ang maton na padaskul-daskol magsalita sa kung anu-anong isyu, at ang tusong pulitiko na may tantyadong panghatak sa iba’t ibang pwersang pampulitika sa bansa. Madalas, ginagamit ng ikalawa ang una bilang pantago. Pero sa dulo, magkasanib sila: lumalabag siya sa takbo ng dominanteng pulitika nina Roxas-Aquino para kabigin ang iba’t ibang grupong pampulitikang na-etsapwera, mabuti man o masama. Siya ang tagalabas na gustong pumasok sa sentro ng kapangyarihan, ang probinsyano na gustong maluklok sa Malakanyang.

Panawagan ng grupong Carmma. Imahen mula sa FB page ng naturang grupo.

Panawagan ng grupong Carmma. Imahen mula sa FB page ng naturang grupo.

May nakakabahalang balitang kasama ang pinakahuling survey ng SWS: numero uno na si Sen. Bongbong Marcos (26%) sa mga kandidato sa pagka-bise-presidente. Narito na ang pagkakasunud-sunod: Sen. Francis Escudero (21%), Camarines Sur Rep. Leni Robredo (19%), Sen. Alan Peter Cayetano (13%), Sen. Gregorio Honasan (5%), at Sen. Antonio Trillanes (5%).

Bakit malakas at nanguna si Marcos? Marami nang dahilan ang nabanggit. Una, ang boto mula sa sinasabing solidong Norte, na balwarte ng kanyang ama, at sa Silangang Visayas, na balwarte ng mga kamag-anak niya sa ina. Maikukumpara naman ang pagkahati ng pamosong botong Bicol sa pagitan nina Escudero ng Sorsogon at Robredo ng Camarines Sur. Ikalawa, ang komposisyon ng mga botante: kung hindi man masyadong bata para matandaan ang pandarambong at panunupil noong Batas Militar, ay kailangang paalalahanan ng lagim nito.

Syempre, huwag nang banggitin ang napakalaking yamang hawak pa rin ng mga Marcos, at ang pagkabigo ng rehimen ni Cory Aquino at mga sumunod na rehimen – kasama na ang ikalawang Aquino na pangulo – na papanagutin ang mga Marcos sa kanilang malulubhang krimen sa sambayanan. Binanatan lang ng unang pangulong Aquino si Marcos sa isang panahon at nang hindi todo – para sa mga layuning taktikal, hindi para sa katarungan. Kakatwang sinasamantala ng batang Marcos ngayon ang disgusto sa batang Aquino para palakasin ang sariling kampanya.

Pero malaking salik din ang pagiging iilan ng maingay na kritiko ni Marcos at, kakambal nito, ang pagsuporta pa nga ng maraming kampong pampulitika sa kanya. Sinu-sino ang mga kritiko? Ang Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacañang o CARMMA na pinapangunahan ng mga progresibong organisasyon ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Sa mga tumatakbo sa presidente at bise-presidente, si Robredo lang ang umuupak, at nitong huli na lang, dahil alam niya ang pakinabang na makukuha sa pagtuligsa sa nangungunang kandidato.

Sa kabilang banda, sinu-sino sa mga kandidato sa pagkapangulo ang nakikipagmabutihan kay Marcos? Dalawa sa mga nangunguna, sina Poe at Binay, ang walang sinasabing masama laban at nanliligaw pa nga rito. Pero mayroong masasabing higit sa nakikipagmabutihan ay nakikipagtulungan kay Marcos – si Duterte mismo. Sa anong paraan? Bukod sa hindi tinutuligsa, tahasan niyang pinupuri ang mga Marcos at ang kanyang kampanya sa “kapayapaan at kaayusan” ay nagsisilbing pansuporta kay Marcos, higit pa nga sa bise niyang si Cayetano.

Huwag magpabulag sa pasabog na pag-upak ni Cayetano kay Marcos sa unang debate ng mga kandidato sa pagka-bise; isinasalba lang niya ang kampanya niya. Hindi inuupakan, bagkus pinupuri, ni Duterte si Marcos. Sa tindi ng mga krimen ng mga Marcos sa sambayanan, hindi sapat ang “Kung hindi kayo magboto kay Alan, ’wag na rin ninyo akong botohin” galing kay Duterte. Ang kailangan ay tahasang pagtuligsa, lalo na’t nangunguna na sa survey si Marcos – kahit man lang para lumakas si Cayetano at madala niya ito sa pangunguna.

Lantad din ang malakas na pangangampanya ng ilang seksyon ng militar at pulisya para sa tambalang Duterte-Marcos. Sa totoo lang, mukhang ang direktang pagtutol ni Prop. Jose Maria Sison ng National Democratic Front of the Philippines – na nililigawan din ni Duterte – noong pinapalutang pa lang ang posibilidad ng tambalang ito, ang tanging nakapigil sa direktang pagtakbong magkasama ng dalawa sa eleksyong ito.

Sa dulo, mahirap ituring na wala na sa karera si Roxas, sa harap ng napakatagal at napakarami niyang pagpupursige na maging presidente. Parang imposible na ang muling pagbibigay-daan niya sa ibang kandidato, at pabor pa rin sa kanya ang galaw ng mga pwersang pampulitika na maka-Aquino.

Pero malaki-laking pagsisikap ang kailangang gawin ng kampong Roxas-Aquino para umangat sa survey at mapagmukhang kapani-paniwala ang pandaraya para kay Roxas sa natitirang ilang araw bago ang eleksyon. Sa tinatakbo ngayon, pag-angat sa survey at pandarayang elektroniko na lang ang tanging tsansa niyang manalo nang kapani-paniwala. Ang nabubuong pagtingin: Kailangang abangan at maagap na ilantad at labanan ang mga susunod na maniobra ng kampo niya.

19 Abril 2016

 


Botong Protesta sa Eleksyong 2016

$
0
0

Botong protesta laban sa gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino. Ito ang isa sa pinakamatibay na paliwanag sa pagkapanalo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pangulo sa eleksyong 2016. Kung paano, iyan ang magandang bigyan ng masinsing paliwanag.

Ilang hinala: Una, sa lahat ng tumakbong pangulo, si Duterte ang pinakamatalas sa paglalarawan sa kasalukuyan ng bansa bilang negatibo, bilang may kakulangan: malaganap ang krimen at paglabag sa batas, at iba pa. Ikalawa, sa lahat ng tumakbong pangulo, at marahil hindi lang sa eleksyong ito kundi maging sa mga nauna, siya ang nagbigay ng pinakamatapang na mga pangako: paparusahan ang mga kriminal at lumalabag sa batas, at iba pa. Sa diagnosis at prognosis na ito nakasuporta ang track record niya bilang mayor ng Davao City.

Ikatlo, sa lahat ng tumakbong pangulo, siya ang tuluy-tuloy na tumuligsa sa inendorso ni Aquino na si dating Interior and Local Government Sec. Mar Roxas at kay Aquino mismo. Ang tatlong nabanggit ang ibinalot sa pakete ng “Tunay na Pagbabago” na ipinangako niya. Ikaapat, ginawa niya ang lahat ng ito sa paraang mauunawaan at matatandaan ng masa: matapang laban sa masasama, may malasakit sa mahihirap, may kapasyahan sa pamumuno, at pana-panahong kengkoy.

Hindi nagsimulang malakas ang kampanya ni Duterte. Pero mayroon ito, simula’t sapul, ng pursigidong makinarya mula sa samu’t saring pwersang pampulitika: mga tagasuporta sa Davao at Mindanao, loyalista ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, loyalista ni Sen. Bongbong Marcos, seksyon ng militar at pulisya, grupong kontra-krimen, at iba pa.

Naging gasolina ng makinaryang ito ang mga pinasok na kontrobersya – positibo at negatibo – ni Duterte sa panahon ng kampanya. Minaksimisa nila ang social media at ang masayang tawaging “daldal media” – iyung tinatawag na “word of mouth” na sinasabing nananatiling pinaka-epektibo sa pagbebenta ng kalakal – para ikampanya si Duterte.

Sa paglakas ng popularidad ni Duterte, at sa mga pahayag niyang pabor sa malalaking negosyo – kasabay ng minsan ay direktang kakontrang mga pahayag pabor sa maralita – bumuhos ang suporta ng malalaking kapitalista. Sa dulo, nakikipagtagisan na siya sa mga kalaban sa dami ng patalastas sa midya ng mga burges-komprador. Sa dulo, panay na ang pahayag ng malalaking kapitalista na kahit sino ang manalo sa eleksyon ay tatanggapin nila at patuloy na “uunlad” ang bansa. Ang pagsuportang ito ng mga burgesya-komprador ang malinaw na repleksyon ng pagsuporta, bagamat nahuli at napilitan lang, ng imperyalismong US sa kanyang kandidatura.

Malinaw na inihanda ng rehimeng Aquino ang makinarya at elektronikong pamamaraan para ipandaya si Roxas. Nagsikap itong gawing kapani-paniwala ang pinaplano noong pandaraya sa pamamagitan ng opensiba sa propaganda. Pero masyadong huli na ito sa tinakbo ng kampanyang elektoral, abstrakto (diktadura bersus demokrasya), at elitista (disente bersus bastos). Hindi na nito nagawang itaas si Roxas sa mga sarbey para maging kapani-paniwala ang pandaraya pabor sa kanya.

Sa ganitong kalagayan, malakas ang naging dating ng mga pagbabanta ng iba’t ibang grupo, kasama ang Kaliwa, laban sa pandaraya – na walang iba kundi pandaraya laban kay Duterte. Gayundin ang napakalaking pagtitipon ng mga tagasuporta niya sa Luneta noong Sabado na bisperas ng eleksyon. Naging malinaw sa lahat na mananalo lang si Roxas sa pamamagitan ng pandaraya, at si Duterte ang pangunahing biktima. Sa dulo, hindi na nagawang nakawin pa kay Duterte ang pagkapanalo bilang pangulo ng bansa.

Hugo Chavez, yumaong presidente ng Venezuela: Anti-imperyalista. <b>Wikimedia Commons</b>

Hugo Chavez, yumaong presidente ng Venezuela: Anti-imperyalista. Wikimedia Commons

Dito mahalagang ilugar ang pagpapalutang ng Communist Party of the Philippines ng posibilidad kay Duterte na maging isang Hugo Chavez – pangulo ng Venezuela na noong una’y nagpatupad lang ng mga makabuluhang reporma para sa maralita at mamamayan at paglao’y mulat nang lumaban sa pinakamasasahol na diktang neoliberal at militarista ng imperyalismong US sa kanyang bansa. Bilang pangulo, naging kampeon siya ng masa, kakampi ng Kaliwa at kalaban ng mga naghaharing uri at ng imperyalismong US.

Nanalo si Duterte dahil sa paglawak ng kanyang popularidad sa hanay ng masa at mamamayan, dahil sa pagbabantay at pagbabanta nila laban sa anumang pandaraya laban sa kanya. Noong una’y tila direktang tutol ang mga naghaharing uri at ang imperyalismong US sa kandidatura niya, pero nitong huli’y napwersa na silang sumuporta.

Malinaw rin ang mga pahayag ni Duterte: “tunay na pagbabago” ang pangako niya, bagamat sa balangkas ng namamayaning sistemang panlipunan. Aniya, siya ay “sosyalista,” siya ang magiging unang pangulo ng Pilipinas na “maka-Kaliwa,” at ang ipapatupad niya kung manalo ay halaw sa “sosyalismo.” Hindi rin niya itinago ang matagal na niyang ugnayan sa Kaliwa, hanggang sa mismong CPP at New People’s Army.

Anuman ang pagtanggap sa mga pahayag na ito ng malawak niyang tagasuporta, malinaw namang pagbabago ang sigaw nila. At ito ang mabigat na presyur ngayon kay Duterte. Ngayong nanalo na siya, ibibigay ba niya ang tunay na pagbabagong ipinapanawagan ng malawak na masa at mamamayang nagtiwala sa kanya?

Kung oo, kailangan niyang sumandig sa masa at mga mamamayan at sa Kaliwa mismo. Tiyak na lalabanan siya ng mga naghaharing uri at imperyalismong US. Tiyak na kakasangkapanin nila ang bise-presidente, Senado, at Kongreso laban sa kanya. Kung hindi naman, malalantad at mahihiwalay siya sa malawak na mamamayang bumoto sa kanya, gayundin sa Kaliwa na prinsipyadong pumupuri kapag may dapat purihin at tumutuligsa kapag may dapat tuligsain.

Hindi nangangahulugan ang pagkapanalo ni Duterte na walang pandaraya sa eleksyon sa pagkapangulo. Sa naging resulta, pumangalawa si Roxas, pumangatlo si Sen. Grace Poe, pumang-apat si Bise-presidente Jejomar Binay, at pumanglima si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Malaking anomalya ito kung ibabatay sa tinakbo ng eleksyon.

Ang hinala ko, at maging ng ibang napagtanungan, binawasan ang boto nina Duterte, Poe, at Binay para palabasing pangalawa si Roxas. Pinakamalaking binawasan si Poe, na konsistent na pinakamalapit na kalaban ni Duterte. Ang naging hudyat para palabasing kapani-paniwala ang paglipat ng mga botante ni Poe kay Roxas: ang panawagan nina Roxas at Aquino kay Poe na umatras. Nang tumanggi ang huli, pinalabas na masama siya, kaya naglipatan umano ang mga botante patungo kay Roxas – na malaking kasinungalingan. Hindi naman kumagat sa opinyong publiko ang paspasang pananakot nina Roxas at Aquino laban sa pagkapanalo ni Duterte, kaya imposibleng naging masama ang imahen ni Poe nang tumanggi itong umatras. Kaya imposibleng lumipat ang mga botante niya kay Roxas.

Bakit kailangang pumangalawa ni Roxas? Una, para sa dangal ng paksyon ng naghaharing uri na kinakatawan niya at ng rehimeng Aquino: mga lumang lahi ng komprador-haciendero-pulitiko, na hindi pwedeng basta ilampaso na lang ng dalawang bagong salta na sina Duterte at Poe. Matatandaan ang eleksyong 2010: hindi pinayagang maging pangalawa si Sen. Manny Villar, at kinailangang ilagay rito si dating Pang. Joseph Estrada. Ikalawa, para maging kapani-paniwala ang pagkapanalo ni Cong. Leni Robredo bilang bise-presidente.

Marami ang naniniwalang hindi man nagawang ipanalo si Roxas sa pamamagitan ng tambalan ng propaganda-pandaraya ay naipanalo naman si Robredo sa pamamagitan nito. Alam ng lahat na ang kapangyarihan, pondo, makinarya, at pamamaraan para mandaya ay hawak ng rehimeng Aquino.

Narito rin ang motibo para mandaya at iluklok na bise-presidente si Robredo: ang kagustuhang makaligtas sa pagpapanagot sa malulubhang krimen laban sa sambayanang Pilipino. Sa pagkakahalal ni Robredo, magkaroon ng pwersa sa gobyerno ni Duterte na hahadlang, o kahit paano’y pepreno, sa pagpapanagot kay Aquino at mga susing opisyal ng rehimen nito.

Ngayon, may dagdag pang pakinabang ang rehimeng Aquino sa pagpapanalo sa kanya: ang pasunurin si Duterte sa kanilang mga kagustuhan – sa galawan sa pulitika, patakarang pang-ekonomiya, patakarang panlabas, at iba pa – sa pamamagitan ng banta ng pagpapatalsik at pagpalit ni Robredo.

mar-leni

Mar Roxas at Leni Robredo: Pambato ng papaalis na rehimen.

Sa nakaraan, walang nagagawa ang bise-presidente kapag presidente na ang nagtulak ng hakbangin o patakaran. Ang kaibahan ngayon, hawak ng Liberal Party, kasama ang mga loyalista pa nga nina Aquino at Roxas, ang Senado at Kongreso. Maaaring mauso muli ang mga balimbing at maglipatan patungo kay Duterte; maaari ring hindi at maging mga kakampi ni Robredo.

Bakit posibleng si Marcos talaga ang nanalo sa eleksyon sa pagka-bise? Una, ang pangunahing penomenon ng eleksyong 2016 ay si Duterte at ang botong protestang kinakatawan niya. Si Marcos, higit pa nga sa katiket ni Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano, ang nakaangkas sa paglakas ni Duterte at sumakay rin sa naturang botong protesta: sa usapin ng mensahe ng kampanya, bagamat hindi direktang tuligsa sa rehimeng Aquino, at makinarya sa kampanya.

Ikalawa, may pagmumulan ng boto si Marcos: bukod sa solidong Norte ay ang Silangang Visayas kung nasaan ang mga kaanak niyang Romualdez at ang ilang balwarte ng mga kapanalig ni Arroyo. Bukod pa diyan, usap-usapan sa mga komunidad na matagal nang naglatag ang kandidatura ni Marcos ng makinarya: iba’t ibang paraan ng pagrerekluta ng mga lider sa barangay kapalit ng pera. Hindi kataka-takang maliban lang kay Roxas, lahat ng kandidato sa pagkapangulo ay nakipaglaro sa kanya.

Sa kabilang banda, naging kapani-paniwala ang paglakas sa mga sarbey ni Robredo at pagkapanalo niya. Siya ang kalaban na talagang tumuligsa kay Marcos – bagay na nagpatampok sa umano’y pagiging walang bahid niya ng korupsyon. Hindi gaanong nakaupak si Sen. Chiz Escudero, dahil naglingkod ang tatay niya sa diktadurang Marcos, bagamat hindi rin naman lumutang ang datos na ito.

Sa paglaban sa pagkapanalo ni Marcos, posible talagang lumipat ang mga botante mula kay Escudero patungo kay Robredo. Mas totoo ang pangamba, lalo na ng mga nasa panggitnang uri, sa pagkahalal kay Marcos kaysa sa pangamba sa pagkahalal kay Duterte na likha ng rehimeng Aquino. Nariyan, syempre pa, ang buong pondo at makinarya para sa pangangampanya ng rehimen para kay Robredo.

Muling pinatunayan ng resulta ng eleksyon sa Senado na iba ang paggalaw nito kumpara sa paggalaw ng eleksyon sa presidente at bise-presidente. Ang nanalo ay iyung matagal nang kilala o nakilala ng mga botante sa iba’t ibang dahilan at may pondo at makinarya para manalo. Tiyak ding ipinandaya ang mga kandidato sa pagkasenador na kakampi nina Aquino at Roxas. Hindi porke’t galing sa partido ni Aquino na Liberal Party ang karamihan ng nanalo ay hindi totoong may botong protesta sa presidente at bise-presidente. Mas maipagpapalagay na inaasahan ng mga mamamayan na susunod ang Senado sa sasabihin ng mahahalal na presidente.

Nanalong senador, matapos ang dalawang pagtatangka, si Cong. Risa Hontiveros ng pseudo-progresibong grupong Akbayan. Nakamit niya ang panalong ito sa pamamagitan ng tuluyang pagtanggal ng pagpapanggap na progresibo sa pagiging reaksyunaryo niya. Sa laki ng ginastos niya sa patalastas sa midya ng malaking kapitalista, imposibleng hindi galing iyun sa pondo ng gobyerno.

Lumiit ang botong natanggap ng Akbayan, naging mahigit 590,000 na lamang, bumagsak mula sa pangunguna sa eleksyong partylist noong 2010. Hindi naisalba ng malaking pondong galing sa gobyerno ang lalong pagkawala ng organisadong lakas nito. Sinong maralita at mamamayan nga naman ang mamumulat, maoorganisa, at mapapakilos para ipagtanggol ang rehimeng Aquino? Mas malamang din na ang mismong mga organisador nito ay nahatak na ng mga opisina ng gobyerno. Hindi rin naisalba ng dilawang ginto nito ang pagkakalantad nito bilang tagapagtanggol at tagapaglingkod ng rehimeng Aquino.

Ibig sabihin, malaking bahagi ng pagkapanalo ni Hontiveros ang nakasandig sa pondo ng gobyerno na biyaya ng rehimeng Aquino, gayundin sa makinarya ng huli. Pero para sa isang kandidatong todong nakasandig sa pondo at makinarya ng rehimeng Aquino, hindi naging loyalista kina Aquino at Roxas si Hontiveros. Hindi siya dumikit nang husto kay Roxas sa panahon ng kampanya at hindi siya naging asong tagaatake laban kay Duterte o iba pang kandidato sa pagka-presidente.

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares: Nagpatakbo ng masiglang kampanya sa kabila ng kakulangan ng pondo.

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares: Nagpatakbo ng masiglang kampanya sa kabila ng kakulangan ng pondo.

Natalo naman sa karera sa pagka-senador si Cong. Neri Colmenares ng Bayan Muna, kandidato ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan. Kapansin-pansin pa rin ang kawalan ng pondo ng kanyang kandidatura para makipagsabayan sa mga nangunang kandidato sa pagkasenador sa pangangampanya. At kahit ang mga natalo ay nagsigastos din nang malaki.

Sa kabilang banda, umabot ang kanyang boto sa 6.4 milyon, na makabuluhang pag-abante sa botong natanggap ng mga naunang kandidato sa pagka-senador ng Makabayan. Tumaas din sa 3.9 milyon ang botong natanggap ng lahat ng progresibong partylist sa ilalim ng Makabayan. Maipagpapalagay nang resulta na ang parehong numero ng pandaraya para bawasan ang boto. Anu’t anuman, sa ganitong bilang, pinagtibay ng Makabayan ang pagiging pinakamalakas na grupong elektoral ng Kaliwa sa bansa.

Tiyak na nakapagpalaki sa boto ng Makabayan sa eleksyong 2016 ang malakas na pagsusulong ng mga kaibigan nitong pambansa-demokratikong organisasyon sa mga laban ng sambayanan kahit sa panahon ng kampanyang elektoral. Ang mga susing salita: pension hike sa Social Security System, protesta para sa bigas sa Kidapawan City at buong Mindanao, paglaban sa panunumbalik ng pamilyang Marcos sa Malakanyang, kontraktwalisasyon, pandarahas sa kababaihan, mas mataas na sahod, at iba pa. Sa batayan ng mga isyung ito, lalong nailantad na kontra-mamamayan at naihiwalay sa sambayanan ang rehimeng Aquino.

Sa lalong paglalantad at paghihiwalay sa rehimeng Aquino, malaki ang naiambag ng pagsusulong ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa mga laban ng sambayanan sa naging resulta ng eleksyon sa pangulo at pangalawang pangulo.

16 Mayo 2016

 

Ordoñez Plata Mata

$
0
0

Nakilala ko si Rogelio “Ka Roger” Ordoñez, mga taong 2006, sa Pinoy Weekly. Alamat na siya noon bilang makabayan at progresibong manunulat. Mababasa rin ang mga sulatin niya para sa Pinoy Weekly na noo’y lingguhang lumalabas at pawang may tatak ng estilo niya.

Bilang punong patnugot, mahalaga ang papel ni Ka Roger sa nilalaman ng pahayagan at mga patakaran tungkol rito. Itinulong niya ang kaalaman niya sa progresibong peryodismo, na halaw sa mahabang karanasan, sa Pinoy Weekly. Hindi siya pumupunta sa opisina noon, pero mahigpit na tinatanganan ng mga editor at manunulat ang mga pagtingin niya. At kung may malaking usapin sa nilalaman na kailangang pagpasyahan, ite-text siya para hingiin ang kanyang hatol.

Sa panahong iyun, mas madalas kaysa hindi, si Ka Roger ang sumusulat ng editoryal ng dyaryo. Linggu-linggo, ipinakita niya ang maagap na paggagap sa mga pinakamaiinit na isyung bayan. Linggu-linggo, ginamit niya ang matalas na pagsusuring makabayan at progresibo sa mga isyung ito. Ligaya ng proofreader si Ka Roger, dahil malinis ang pagkakatipa ng teksto, bihira ang pagkakamali.

Ang estilo ni Ka Roger, tawagin nating “maginoo pero medyo bastos” – maginoo sa mga mambabasa, na ipinagpapalagay na kabilang sa nakakarami nating kababayang “isang kahig, isang tuka, kumai’t dili,” pero bastos sa mga nagsasamantalang imperyalista at malalaking burgesya-komprador at panginoong maylupa. “Tagahimod ng pundilyo” ang isa sa mga paborito naming paglalarawan niya sa mga tuta ng rehimeng US-Arroyo noon.

Pero higit marahil sa mga sulatin, desisyon at patakaran, nagbigay si Ka Roger sa mga editor at manunulat ng Pinoy Weekly ng mga aral at inspirasyon, na pawang halaw sa kanyang buhay at pakikibaka. Napakahalaga ng mga aral at inspirasyon na ito sa pagsusulong sa peryodismong sinisikap katawanin ng Pinoy Weekly – matapat, mapanuri at makabayan. Mapalad ang mga editor at manunulat ng pahayagan na nabahaginan ng mga ito.

roger-01Isa sa mga aral ni Ka Roger ang lubos na pagpapahalaga sa wikang Filipino, o Pilipino marahil sa tawag niya. Bilang noong una’y manunulat sa Ingles, alam niya ang laya at saya ng pagsulat sa sariling wika. Walang katapusan ang usapan kapag ipinapaliwanag niya kung bakit wikang Filipino ang dapat na wikang panturo sa mga paaralan.

Alam na rin natin ang mga bugnuting reklamo niya tungkol sa maling paggamit ng midya ng malalaking kapitalista sa mga salitang “pumapaimbulog” at “bumubulusok.” At hindi ito pakikipagpataasan lang ng ihi ng eksperto sa wika, kundi nagmumula sa makabayang pagkilala sa kakayahan at potensyal ng wikang Filipino sa pag-unawa at pagbago ng mundo, at sa panghihinayang sa pagkakawaglit ng mga salitang Filipino na akma sa iba’t ibang bagay.

Para kay Ka Roger, ang pagmamahal sa wikang Filipino ay tumatagos hanggang sa gagamiting ortograpiya. Madiin siya sa “pUwersa,” hindi “pwersa,” “aksIyon,” hindi “aksyon” para igalang ang pantig o syllable na para sa kanya ay esensyal sa wikang Filipino. Sa una naming pagkikita, may naghanda ako ng sulatin at para sa posibleng talakayan o debate hinggil dito. Pagkahawak niya sa dokumento, ang bungad niya, bagay na hindi ko napaghandaan, “Bakit puro ortograpiyang Unibersidad ng Pilipinas ito?” sabay marahang turo ng daliri sa napakaraming paglabag, parang kumander ng mga gerilya na nagtuturo sa mapa ng pwestuhan ng kaaway.

Naging biruan minsan ang ortograpiyang ito nang ang manunulat sa seksyong showbiz ay gumamit ng mga salitang “dyugdyugan” at “dyakol” sa isang artikulo. Kung susundin si Ka Roger, ang gagawin lang ay ilagay ang mga nararapat na titik “I” sa lugar para maging “dIyugdIyugan” at “dIyakol.” Ang wikang pabalbal, binaybay nang pormal. Pero adbokasiya rin ni Ka Roger ang tinatawag niyang “pagpapalaya sa wika” mula sa konserbatismo, maging sa konserbatismong sekswal. Ayaw na ayaw niya ng mga santu-santitong nagmumumog ng agua bendita habang naliligo naman sa pawis at dugo ng mga manggagawa at magsasaka.

Dapat may integridad ang manunulat, lalo na ang makabayang manunulat. Isa pa ito sa mahahalagang aral ni Ka Roger. Dapat ay mulat na pumapanig ang manunulat sa masang anakpawis at sambayanang Pilipino at sa kanilang pakikibaka, hindi sa mga nagsasamantala at nanunupil sa kanila. Ibig sabihin, may mulat na sakripisyo sa pagiging makabayang manunulat – malayo sa kahit katiting na yaman, kapangyarihan at katanyagan na iniaalok sa mga manunulat ng mga naghahari sa kasalukuyang lipunan.

Alam nating bago ang Batas Militar, maraming mayayaman at makapangyarihan na binangga si Ka Roger bilang mamamahayag at kolumnista. Alam nating may panahong lumayo na lang siya sa panulat noong ideklara ang Batas Militar, dahil hindi niya maatim ang magsulat para sa diktadura. Alam nating bagamat lagi siyang nasasabihang nanalo ng Gawad Palanca, kritikal siya sa mga patimpalak; malinaw sa kanyang wala sa parangal ang katuparan ng pagiging manunulat kundi sa paglilingkod sa bayan.

Alam natin, syempre pa, ang pag-aambag niya sa mga makabayan at progresibong pahayagan sa bansa. Mas gugustuhin niyang magbigay ng oras at talino sa mga kabataang makabayang manunulat kaysa kumita sa pagsulat para sa mga naghahari sa ating bayan. Tinutuligsa niya ang mga manunulat na nagpayaman sa malay na paglilingkod sa mga rehimeng pawang kontra-mamamayan.

Sa mga editoryal, kolum, at maging tula ni Ka Roger, napakalinaw ng pagtitiwala niya sa masang magsasaka at manggagawa – sa pagtugon sa mga kagyat na usaping bayan, ngunit lalo’t higit sa pagbabago sa namamayaning bulok na sistemang panlipunan. Madalas, sa paglalarawan niya sa isang sitwasyong pulitikal, inilalahad na rin niya kung bakit at saan dapat umaksyon ang sambayanan. Daynamikong naglalangkapan ang datos at pagpapahalaga sa kanyang sulatin, mula sa perspektiba ng masang anakpawis at sambayanan.

Kapansin-pansin na bagamat tinatawag din niyang “naghahari” ang mga imperyalista at malalaking kapitalista’t haciendero sa bansa – iyung mga tinatawag ni Rodrigo Duterte at mga tagasuporta niya na “oligarchs” – lagi niyang tinatawag ang mga ito na “naghahari-harian.” Isang paggamit ito na nagdidiin na ang kanilang paghahari ay nililikha, at sa gayo’y pwedeng wasakin; dinadaan sa sindak, ilusyon at pwersa, at gayo’y pwedeng ibagsak ng tunay na lakas na nasa pagkakaisa at pagkilos ng masang anakpawis.

Isa pa sa mahahalagang aral ni Ka Roger ang pakikipagtulungan sa kilusang masa, sa Kaliwa sa ating bayan – bilang manunulat at bilang tao. Hindi lingid sa marami, si Ka Roger Ordoñez ay tagasuporta at tagahanga ng Kilusan na kinabibilangan ni Ka Roger Rosal, ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army. Hindi lamang rebelyon at rebolusyon sa panitikan at sining ang kanyang minithi at pinag-ambagan, kundi ang rebelyon at rebolusyon laban sa namamayaning sistemang panlipunan na pinaghaharian ng iilan.

Malinaw kay Ka Roger na ang pakikipagtulungan sa kilusang masa, sa Kaliwa, ay natural na kaugnay ng pagtitiwala sa masa. Sa Pilipinas, ang Kaliwa ang pwersang pampulitika na mulat na naglalayon, at may praktikang ipapakita bilang katibayan, ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masang magsasaka, manggagawa at anakpawis para lumikha ng kasaysayan at pagbabagong panlipunan.

Sa paksang ito rin, hindi matatapos ang kwento niya. Mula sa aktibismo niya noon sa National Press Club, hanggang sa First Quarter Storm, sa pagtulong sa mga kasama na nasa underground noong Batas Militar, sa paglingap sa mga bilanggong pulitikal, sa mga debateng ideolohikal, sa pagpanig nilang tatlo – ng mga makabayang manunulat ng Politektnikong Unibersidad ng Pilipinas na sina Bayani Abadilla at Ave Perez Jacob – sa kilusang pagwawasto noong maagang bahagi ng dekada 1990, sa pagpapayo sa mga kabataang aktibista at makabayang manunulat, sa pagtulong sa mga progresibong organisasyon ng iba’t ibang sektor, at iba pa.

Sa dulo, wagas ang pagtitiwala ni Ka Roger sa mga kabataan – mga estudyanteng interesadong matuto, mga kabataang aktibista, mga kabataang makabayang manunulat. Iyan ang dahilan kung bakit hanggang sa inabot ng kanyang lakas ay nagturo siya sa PUP na paaralan ng mga kababayan nating hirap sa buhay. Kung bakit napaka-mapagbigay niya sa kanyang kaalaman at oras sa pagpapayo at pagbibigay-inspirasyon. Madalas niyang masabi noon, na hindi man niya masaksihan ang pagtatagumpay ng rebolusyon, ay malaking karangalan at kaligayahan niyang nakapag-ambag siya sa pagtatagumpay nito.

Buong buhay niya, tumulong siyang mag-aruga at magpayabong ng mga makabayan at progresibong paninindigan, lalo na sa mga kabataan. Hindi kataka-taka, sa kanyang pagpanaw, nakikita natin ang mga inaruga at pinayabong niya, nagbibigay-pugay. Sa kanyang pagpanaw, ibigay natin sa kanya ang pinakamataas na parangal: tanganan ang mga aral at inspirasyong iniwan niya para ang rebolusyong isinulong niya ay maipagtagumpay.

25 Mayo 2016

 

Instrumentalismo at Kidapawan

$
0
0

Napakalaking krimen ang ginawang pamamaril at pagpatay sa mga magsasakang payapang nagprotesta noong Abril 1 sa Kidapawan City, North Cotabato. Matalas na nasapul ng sumikat na hashtag sa social media na #BigasHindiBala ang kawalang-katarungan ng paggamit ng baril laban sa mga magsasakang humihingi lang ng bigas na makakain bilang tulong ng gobyerno sa panahon ng tagtuyot dulot ng El Niño.

Mas malamang, gayunman, na ang ikinabahala ng mga opisyales ng gobyerno ay hindi ang mismong pamamaril at pagpatay sa mga magsasakang nanawagan ng bigas. Mas malamang, ang ikinabahala nila ay ang katotohanang maraming video footages na nagpapakita na mga pwersa ng Estado ang siyang nagsimula at mismong nagsagawa ng karahasan. Dawit samakatwid silang opisyales ng gobyerno na nag-utos ng pandarahas.

PW-kidapawan-massacre-featured

Sa harap ng mabigat na krimen at matibay na ebidensya, maaasahan nang hakbangin ng gobyerno – kung gusto nitong bigyang-katwiran ang pandarahas at umiwas sa pananagutan, at malinaw na ganito nga ang gusto nito – ang maglabas ng masasahol na kasinungalingan. Sa takbo ng mga pangyayari, ang napiling kasinungalingan ay: Ginamit ng Kaliwa – militante, Komunista, New People’s Army – ang mga magsasaka.

Dahil ang Kaliwa ang gustong idiin ng gobyerno, mahalaga sa paghahasik nito ng kasinungalingan ang mga espesyal na ahente nito laban sa Kaliwa, na mas mapanlinlang dahil nagpapakilalang galing sa Kaliwa: ang Akbayan. Hindi kataka-takang walang kapaguran, halimbawa, ang mag-inang akademikong Akbayan na sina Sylvia Estrada-Claudio at Leloy Claudio sa pagpapalaganap ng naturang kasinungalingan sa Facebook.

Siguro’y kumuha sila ng payo kay Gabriel Claudio, bayaw ni Sylvia at tiyuhin ni Leloy, na tagapayo ni Gloria Macapagal-Arroyo noong masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004: sisihin ang Kaliwa! Kung may magtatyaga lang, madaling ilantad ang pagiging reaksyunaryo at mababaw ng mga sulating “akademiko” nila, at anumang kasikatan nila sa social media ay dahil sa mga loyalista ni Noynoy Aquino at anti-Kaliwa.

Sa ganitong konteksto mailulugar ang “Lessons from Kidapawan: The left and the question of accountability,” sanaysay ng isang Emman Hizon. Nagpapakilala siya sa artikulo na “research and policy analyst” ng Active Citizenship Foundation na ngayon lang narinig ng marami. Pero noon, nang nantaboy siya ng mga aktibistang nagprotesta sa presscon ng Akbayan, tahasan siyang nagpakilalang opisyal sa propaganda ng grupo.

Para ilusot ang puntong may kasalanan din ang Kaliwa sa nangyari sa Kidapawan, todo ang pagpapanggap ni Hizon. Kesyo ang gobyerno naman talaga ang pangunahing may pananagutan. Kesyo 18 taon na siyang sosyalista, at sinsero at seryoso ang kanyang pag-aanalisa sa sanaysay. Kesyo maalam siya sa mga taktika sa militanteng protestang lansangan. Kesyo ang layunin niya ay iabante ang pulitikang maka-Kaliwa sa Pilipinas.

Sa totoo lang, nakakabwisit basahin ang sanaysay ni Hizon. Sa bulok na paraan pa lang ng paglalatag ng argumento, malalaman mong bulok na ang mismong kongklusyong tinutumbok. Puro akusasyon na walang solidong batayan. May mga bahaging hinay-hinay na pag-iisip, na rururok naman sa todong kasinungalingan. Pinahaba nang husto na parang may bayad ang bawat salita; dinaan sa Ingles sa halip na sa nilalaman.

Ilan munang sekundaryang punto na naglalantad sa kung anong tipo ng “maka-Kaliwa” si Hizon – na kampi sa neoliberal at mapanupil na gobyerno ni Aquino. Una, sabi niya, “nabigo” ang kapulisan na magpatupad ng “maximum tolerance.” Napakabait na paghatol nito. Nasa highway ang protesta, pero nagtatanggol lang, hindi naggigiit ang mga magsasaka. Bawal magdala ng baril sa protesta, pero todong ginamit ito ng pulisya.

Ikalawa, sabi niya, “Ang pakikibaka para sa mas mainam na Kaliwa ay pakikibaka para sa mas mainam na gobyerno.” Hindi ito opinyong maka-Kaliwa kundi opinyong liberal. May katangiang makauri ang gobyerno ngayon: hawak ng malalaking burges-komprador at panginoong maylupa na tuta ng imperyalismong US. Kailangan itong ibagsak, hindi ireporma lang, para makapagtayo ng gobyernong mas mainam.

Nakasalalay si Hizon sa isang susing akusasyon sa Kaliwa, sa tinawag niyang “instrumentalismo.” Kung isasantabi ang mga pangkalahatang satsat niya tungkol rito, ito, aniya, ay ang pagpapasabak ng Kaliwa sa mga magsasaka sa “reaksyunaryong karahasan” para “matuto ng pampulitikang leksyon,” para yakapin ang “armadong pakikibaka.” Aniya, ginusto o pinahintulutan ng Kaliwa na mabaril ang mga magsasaka.

Minsan nang sinagot ni E. San Juan, Jr., Marxistang intelektwal, ang akusasyong may “instrumental na pagtingin sa tao” ang mga maka-Kaliwa, partikular ang mga Marxista-Leninista. Aniya, hindi alam ng mga nag-aakusa ang mayamang tradisyong Marxista. Mas mahalaga, instrumento ng mga anti-Komunista noong Cold War, hindi ng Kaliwa, ang konsepto [“The Struggle for Socialist Transformation in the Philippines,” 1996].

Konsepto nga naman ng mga anti-Kaliwa ang instrumentalismo. Pilit nitong inihihiwalay ang Kaliwa sa masang anakpawis na pinaglilingkuran, inoorganisa, at pinagmumulan ng lakas nito. Pinagmumukha nitong masama ang ugnayan ng Kaliwa at masa. Ibinabalik nito sa Kaliwa ang tuligsa ng huli sa kapitalismo at mga naunang sistemang makauri: na pinagsasamantalahan ang masa na parang mga instrumento.

Para kay Hizon, instrumentalismo ang dahilan kung bakit ipinagpatuloy ng mga organisador ng Kaliwa ang protesta kahit “may tsansang papaputukan ng mga pulis ang mga magsasaka” dahil “mayroon nang mga armadong pulis sa lugar bago magsimula ang marahas na dispersal.” Pero dapat suriin ang naganap mula sa mga konsepto at kagamitan sa pagsusuri ng Kaliwa, hindi ng mga anti-Kaliwa tulad ng gusto ni Hizon.

Protesta sa harapan ng Department of Justice para sa pagpapalaya ng mga magsasaka sa Kidapawan City. Christine Magat

Sa panig ng mga organisador, nagpatuloy ang protesta dahil makatwiran ang hinaing, at hindi pa nakakamit ang taktikal na panawagan. Nagpatuloy ang protesta dahil may nakatakdang negosasyon kay North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa hapon ng Abril 1. Pero agad binalewala ito nina Kidapawan Mayor Joseph Evangelista at Alex Tagum, hepe ng Philippine National Police sa probinsya at sinimulan ang pamamaril.

Makatwiran man ang protesta ay marahas ang Estado. Dahil dito, tungkulin ng mga organisador na tiyakin ang kaligtasan ng mga nagpoprotesta. Alam ang lahat ng iyan ng Kaliwa. Sa kaso ng Kidapawan, hindi nagkulang ang mga organisador sa usaping ito; mas namayani ang pagiging mapanupil ng Estado. Ang problema kay Hizon, agad ang pagsisi niya sa Kaliwa dahil sa anti-Kaliwang konsepto niya, ang instrumentalismo.

Kung susundan pa ang lohika niya, laging dapat maghanap ang mga nagpoprotesta ng posibilidad na magkaroon ng matinding pandarahas, lalo na ng pamamaril, para iatras ang pagkilos. Ilang pulis kaya? Ilang mahabang armas? Ilang distansya mula sa hanay? Kung susundan ang baluktot na lohika ni Hizon, walang dapat maganap na pagmasaker sa nagpoprotesta, pero iyan ay dahil walang dapat maganap na militanteng protesta.

07 Hunyo 2016

Beyond Good and EdVil

$
0
0
PW-edvil-teo-01Rebyu ng Edberto M. Villegas, Mga Kuwento mula sa Lipunan: 12 Maikling Kuwento. Quezon City: Pantas Publishing & Printing, Inc., 2016.

“Hindi ka magmamadali,” sabi ni Terry Eagleton, Ingles na kritikong pangkultura, “na magbukas ng nobela ni Jurgen Habermas, pero walang dudang may ilang swabeng maikling kwento na naitatago si Richard Rorty.” May kaibahan, aniya, ang mga posibilidad sa pagkukwento ng pilosopong Aleman at ng pilosopong Amerikano. Paliwanag niya, “kapansin-pansin ang mga pilosopong Anglo-Saxon sa hilig sa mga biro, satirikong hirit, pang-araw-araw na halimbawa, kakatwang anekdota, habang ang mga German na Neo-Hegelian ay hindi [“Steven Lukes,” Figures of Dissent, 2003].”

Si Edberto Malvar Villegas, awtor ng Mga Kuwento mula sa Lipunan: 12 Maikling Kuwento, ay hindi Aleman at hindi rin Anglo-Saxon; hindi rin siya kabilang sa dalawang malaking kampo ng pilosopiya, ang umano’y Kontinental at Analitikong Pilosopiya, na kinakatawan ng mga pilosopong may naturang nasyunalidad. Si Villegas, gaya ng alam ng sinumang nagmamasid sa larangang intelektwal sa bansa, ay isang Pilipinong Marxista. Hindi kataka-taka na isa siyang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa usapang pangkapayapaan nito sa gobyerno ng Pilipinas.

Marxista si Villegas at magmamadali kang buksan ang mga salaysay niya – gaya ng dalawa niyang nobela at, ngayon, itong kalipunan ng maiikling kwento niya. Sa kabila iyan ng pagiging awtor niya ng mga seryosong saliksik tungkol sa ekonomiyang pampulitika – sa mga batas-paggawa, moda ng produksyon, pinansyalisasyon, krisis pang-ekonomiya, Das Kapital, at iba pa. Wala naman siguro siyang kwento tungkol sa pag-aaway-bati, pangunahin ang matinding pag-aaway, sa pagitan ng halaga-sa-gamit (use-value) at halaga-sa-palitan (exchange-value) sa ilalim ng sistemang kapitalismo?

Bakit ka magmamadaling buksan ang kalipunan ng maikling kwento ni Villegas? Dahil siguro iyan sa kanyang pampublikong persona – bilang pang-araw-araw na “Sir Ed” o “EdVil,” hindi ang seryosong awtor na “Villegas.” Isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Maynila na maalamat sa kanyang mga estudyanteng nagmamalaking naging guro siya. Isang aktibistang palangiti, palabati, at mahilig magkwento. At, higit sa lahat, isang maalab na tagapagsalita sa mga pagtitipon, nag-aapoy ang bibig at damdamin sa mga kabulukan ng naghaharing sistema na kailangang ibagsak ng sambayanan.

Sa Marxismo rin mahuhugot ang pulang hibla na tumatahi sa maiikling kwento ni Villegas sa librong ito. Tinutukoy ko ang diyalektika ng pangkalahatan at partikular – kung paanong magkaiba sila pero magkasanib, hindi magkahiwalay; kung paano nila sinasalamin, hindi sinsarhan, ang bawat isa; kung paano nila pinagtitibay, hindi pinapatay, ang bawat isa. Sabi ng intelektwal na Amerikanong si Bertell Ollman, may naglarawan noon sa mga salita ni Karl Marx na parang paniki – pagsasanib ng ibon at ng daga: lumilipad sa kalangitan habang gumagapang sa kalupaan [Alienation, 1976].

Sa Mga Kuwento mula sa Lipunan, naghahain si Villegas ng mga partikular na nagbibigay ng buhay, dugo at laman sa pangkalahatan. Ang pangkalahatan, ang iba’t ibang uri at grupo sa lipunang Pilipino; ang partikular, ang mga buhay na nilalaman ng bawat maikling kwento. Nagbibigay ng leksyon – humihinga, nasasalat, madaling maunawaan – ang libro hinggil sa iba’t ibang uri at grupong panlipunan, minsan sa kanilang pagtutunggalian, sa hiwalay nilang kalagayan. Masasabing isa itong kapatid na libro ng mga katha ng Philippine Society and Revolution [1970] ni Amado Guerrero.

Kaya naman may kwento rito ng walang trabaho na dating manggagawa, senador na burukrata-kapitalista at mula sa uring burgesya-komprador, taong grasa o palaboy, kriminal o lumpen, burges-komprador, pulubi, estudyante sa kolehiyo na anak ng manggagawa, aktibistang galing sa uring panginoong maylupa, magkasintahang petiburgis sa paaralan, madreng naging New People’s Army o NPA, anak ng burges-komprador, aktibistang detenidong pulitikal. Sa kabuuan, matagumpay ang paglalahad ni Villegas ng mga buhay bilang larawan ng iba’t ibang uri at grupong panlipunan.

Ang interesante at kapana-panabik ay kung paano niya binigyan ng buhay, dugo, at laman ang sentral na karakter ng bawat maikling kwento at ang kinahantungan nila. Ang siklo ng buhay patungong pagkasayang ni Rolly. Ang pagkaligtas ni Senador Juanito L. Montelibano sa isang eskandalo ng korupsyon. Ang malagim na sinapit ni Popoy na bagamat sintu-sinto ay may respeto sa sarili at pagkalinga sa kapwa. Ang kagustuhan ni Zaldy na patunayang matapang siya at matapat sa sindikato. Ang malungkot na sinapit ni Toti Lorenzo, mayamang hindi makapagladlad bilang bakla.

Ang makahulugang paggala ni Kardo sa gitna ng panghihina ng katawan niya. Ang pagpapakamatay ni Kristina bunsod kawalan ng pambayad sa paaralan. Ang buhay at pakikibaka ni, at pagkamatay at pagpaparangal kay, Rico Villaruel. Ang mahigpit na pagyayakapan nina Manny at Kathy na tumungo sa pagkasakal at pagkamatay nila. Ang pagkamulat at pagiging kasapi ng NPA ni Sister Claire Trinidad. Ang pag-abuso ng lalake kay Sonia Medina na naging dahilan para lalo siyang maging playgirl. Ang kahirapang dinanas ng mga aktibista, kasama ang isang “Ka Monico,” sa detensyon.

Ilang tampok na kwento: Sa “Ang Senador,” magmamadali ang mambabasa para makita ang katapusan, at magngingitngit siya rito. Sa “Ang Ulila,” kongkretong naipakita ang marangal na pagkatao ng isang sintu-sinto, na madalas ituring ng lipunan na basura. Sa “Ang Gangster,” naipakita ang salimuot ng sabwatan ng sindikato ng krimen at pulisya. Nakakaantig ang pagkatao ng mga pulubi sa “Ang Mama sa Kariton.” Pabigat nang pabigat ang kwentong “Kristina” habang patungo sa alam nating katapusan nito. Nakakabuhay ng diwang palaban ng mga aktibista ang “Ang Aktibista” at “Sister Claire.”

Si Prop. Ed Villegas (kaliwa), sa book launch sa Quezon City kamakailan. Photo by J.A. Santos

Si Prop. Ed Villegas (kaliwa), sa book launch sa Quezon City kamakailan. J.A. Santos

Hindi karaniwan ang “Sino ang Baliw?” na may talababa: “batay sa tunay na karanasan ng may-akda.” Karaniwan ang pagkukwento tungkol sa kalupitang dinanas ng mga detenidong pulitikal lalo na sa bilangguan ng diktadurang US-Marcos. Pero hindi karaniwang ikwento, at nang detalyado, ang epekto nito sa katinuang mental ng mga detenido, lalo na ng isang kilalang kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas, propesor, at aktibista na walang iba kundi si Monico “Ka Togs” Atienza. Mas ang dapat kunin sa kwento ay ang pagiging malupit, malupit, malupit ng diktadura sa mga Komunista.

Bilang mga kwento tungkol sa buhay-buhay, palaisipan sila tungkol sa isa pang bungkos ng usaping Marxista: ang diyalektika ng tao at lipunan, ng indibidwal at uring panlipunan. Materyalista ang Marxismo: hinuhubog ng pag-iral (being) ang kamalayan. Sa mga kwentong ito, may mga indibidwal na nakakulong sa kanilang uri, tampok ang mga naghahari. Pero kinikilala rin ng Marxismo ang paghulagpos ng indibidwal sa kanyang uring panlipunan. Sa mga kwentong ito, may mga maralita na busilak at burak ang kalooban at ang mga nag-NPA ay galing sa uring panginoong maylupa at madre.

Sa unang paglulunsad ng aklat, sinabi ni Prop. Ramon “Bomen” Guillermo na mababasa rin sa maiikling kwento si Villegas bilang pilosopo, nagmumuni tungkol sa kabuluhan ng buhay: Ano nga ba ang makabuluhang buhay? Paano nga ba nagiging makabuluhan ang buhay ng isang tao? Magandang ipaubaya na sa mga mambabasa ang pagtuklas sa naging sagot ni Villegas sa mga tanong na ito –kung sinu-sino, sa wika ni Mao Zedong, ang nabuhay-namatay para sa kapwa, nang kasing-bigat ang Sierra Madre at kung sinu-sino naman ang nabuhay-namatay para sa sarili, nang kasing-gaan ng balahibo.

Hindi ako maalam sa pormang pampanitikan, maging ng maikling kwento. May mga panahong may pakiramdam akong masyadong mabilis ang takbo ng mga kwento, at pwedeng napaigting pa ang mga emosyong hinahatak nito sa iba’t ibang paraan. Pero naisalaysay ang mga kwento sa paraang madulas at naging epektibo pa nga, sa pagtingin ko, ang marami sa mga ito. Hindi ko masasabi kung papasa ito sa mga kritikong pampanitikan, pero kung ang hanap ay kaalaman hinggil sa iba’t ibang uri at grupo sa lipunan, at ang pandama para sa kanila, basahin ang Mga Kuwento mula sa Lipunan.

Iyun naman ang dapat na resulta ng Marxistang kaalaman at salaysay, sa mga partikular na larawan ng pangkalahatan sa kasong ito – ang imulat ang kamalayan, gisingin ang mga emosyon, itulak ang pagpapasya at pagkilos tungo sa pagbago sa umiiral na sistemang panlipunan. Binabasag ng Marxismo ang mahigpit na pag-iiba ng kaisipang burgis sa pagitan ng datos o fact at pagpapahalaga o value, ng pag-iisip at pagkilos, ng utak at puso, ng kamalayan at emosyon. Sa pagsasakongkreto niya ng Marxismong ito sa librong ito at iba pang akda, marapat na pasalamatan at parangalan si Villegas.

17 Hunyo 2016

Maging Hugo Chavez ng Pilipinas

$
0
0

“Si Rodrigo Duterte ay hindi ang Hugo Chavez ng Pilipinas, kaya hindi siya dapat suportahan ng Kaliwa at ng masang anakpawis.”

Ito ang buod ng sanaysay nina Herbert Docena at Gabriel Hetland na Why Duterte is not – and is unlikely to be – a socialist” na inilimbag sa Rappler.com noong Hunyo 29 at pinaikli at inilimbag bilang “Why Duterte is unlikely to pursue socialism” sa Philippine Daily Inquirer noong Hunyo 30.

Dito, naglahad ang mga awtor ng sumada ng rekord ni Duterte sa pagiging mayor ng Davao City at ng kalipunan ng mga pahayag at hakbangin niya mula noong eleksyon hanggang bago ang panunumpa niya bilang pangulo ng Pilipinas nitong Hunyo 30. Ikinumpara nila ito sa mahigit isang dekadang rekord bilang pangulo ng Venezuela ni Hugo Chavez, na lumaban sa mga neoliberal at militaristang dikta ng US sa kanyang bansa at sa mundo, at nagsulong ng pang-ekonomiya at pampulitikang kagalingan ng kanyang mga kababayan.

Anila, may mga maka-Kaliwa at maging anti-Komunista pa nga na nagpapahiwatig na si Duterte ang Chavez ng Pilipinas o magiging Chavez ng Pilipinas. Pero ang totoo, kaya lumaganap ang pagbanggit kay Chavez kaugnay ni Duterte ay dahil sa mga pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) mismo at ng pambansa-demokratikong Kaliwa sa bansa. Hindi malinaw kung bakit hindi ito binanggit nina Docena at Hetland, pero ganyan ang karamihan ng mga sulatin ni Docena: kritikal sa CPP at sa pambansa-demokratikong Kaliwa, tahas man o hindi.

Sa kabuuan, sekundarya lang sa sanaysay ang mahabang paghahambing kina Duterte at Chavez, paraan lang para idiin ang pangunahin nilang punto: mali ang pakikipag-alyansa ng Kaliwa kay Duterte.

Pero ang pagbanggit ng CPP at Kaliwa kay Chavez kaugnay ni Duterte ay hindi bilang pagpapahayag ng pagsusuri, na si Duterte ay isang Chavez, kundi ng hamon – na si Duterte ay maging isang Chavez. Ibig sabihin, madaling makita na hindi si Duterte ang Chavez ng Pilipinas, o hindi pa. Pero ibig bang sabihin ay hindi na siya dapat suportahan ng Kaliwa at ng masang anakpawis, gaya ng sinasabi nina Docena at Hetland? Ibig bang sabihin ay mali ang taktika ng CPP at ng Kaliwa sa pagharap sa kanya, gaya ng sinasabi ng mga may-akda?

Oil on canvass painting ng imahe ni Pangulong Duterte na gawa ng Filipino-Amerikanong pintor na si Rafael Maniago.

Oil on canvass painting ng imahe ni Pangulong Duterte na gawa ng Filipino-Amerikanong pintor na si Rafael Maniago.

Malinaw na ang pagsisikap nina Docena at Hetland ay ang magbuo ng progresibong pagsusuri kay Duterte: gumamit sila ng makauring pagsusuri, dinala nila ang talakayan sa dapat na taktika ng Kaliwa, at tumatanaw sila sa tunay na pagbabagong panlipunan sa bansa.

Pero napakalimitado ng kanilang paraan ng pagsusuri – ang pagkukumpara kina Duterte at Chavez. Sa kanilang mga kamay, ang makulay na mga pahayag at hakbangin ni Chavez at maging ang makulay na mga pahayag at hakbangin ni Duterte ay ginagamit sa balangkas ng isang dahop at makitid na pagsusuri. Maaaring progresibo ang kanilang analisis, pero kulang na kulang para maging Marxista. Kulang na kulang din sa pagtatakda ng wastong pagharap na maka-Kaliwa kay Duterte.

Bantog na inilarawan ng Marxistang pilosopong si Georg Lukacs, sa History and Class Consciousness [1971] ang Marxismo, kaugnay ng makauring kamalayan ng proletaryado, na “pagsisikap patungo sa lipunan sa kabuuan nito (aspiration towards society in its totality).” Ibig sabihin, kailangan ng mapagbuo (totalizing) na paggagap sa lipunan: sa pang-ekonomiyang istruktura nito, sa mga uring panlipunan at pwersang pampulitika na bumubuo rito, sa kanilang mga obhetibong interes, sa kongkretong kasaysayan ng kanilang pagtutunggalian, at iba pa. Malayo sa ganito ang pagsusuri nina Docena at Hetland.

Una, wala silang pagkilala na may mga pahayag at hakbangin si Duterte na pabor sa masang anakpawis at sambayanang Pilipino. Pinapalabas nila na ang tanging positibo sa mga pahayag at hakbangin niya ay kaugnay ng CPP at ng buong Kaliwa bilang mga organisasyon o pampulitikang pwersa: pagtatalaga ng mga maka-Kaliwang opisyal sa gabinete at muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.

Pero maraming pahayag at hakbangin si Duterte na para sa masang anakpawis at sambayanang Pilipino – at iyan ang pangunahing tinatanganan ng Kaliwa. Nawala ang mga ito sa larawang nilikha nina Docena at Hetland. Mga pahayag at hakbangin itong nakadireksyon laban sa kontraktwalisasyon, mapanirang pagmimina, at katiwalian; libreng irigasyon para sa mga magsasaka; pamamahagi ng coco levy funds; Freedom of Information; mas mataas na badyet sa mga serbisyong panlipunan; dagdag-pensyon sa Social Security System; pagpapalaya sa mga detenidong pulitikal; at iba pa. May mga pahayag siyang nakatanaw sa independyenteng patakarang panlabas, tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

Totoo, marami rito, wala sa kanyang “10-Point Economic Program.” Pero todong ibinida naman niya ang mga ito sa masang anakpawis at sambayanan at umani ng malawak na pagsuporta – higit pa nga sa nabanggit na programa. Magagamit na batayan ang mga ito para ipaglaban ng masa at sambayanan na tuparin niya.

Ikalawa, wala silang pagsusuri sa mga mayor na pampulitikang pwersa sa bansa. Ang nabanggit lang nila ay ang “masayang pagkilala” ng “Goldman Sachs, Bloomberg at iba pang grupong pang-negosyo” sa pagkakahalal ni Duterte. Paano naman ang pagdedeklarang muli ng gobyerno ng US na terorista ang CPP at New People’s Army bago binuksang muli ni Duterte ang usapang pangkapayapaan? Ang babala ng World Bank laban sa pangako ni Duterte na ipapatigil ang kontraktwalisasyon? Ang mga kumpanya ng pagmimina na nagprotesta sa itinalaga ni Duterte na sekretaryo na may saklaw sa operasyon nila?

Makaisang-panig sa negatibo ang pagsusuri nila kay Duterte mismo. Minaliit nila ang tatlong dekadang pakikipagtulungan nito sa Kaliwa, partikular sa NPA mismo. Hindi man siya nagpatupad ng sosyalismo sa Davao, may mga hakbangin siya doon na mas abante kaysa sa kalakaran sa Pilipinas. Hindi nila gagap ang importansya na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, may pangulo ng Pilipinas na nagmamalaking dating miyembro ng Kabataang Makabayan, miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan, “maka-Kaliwa” at “sosyalista” pa nga, at may malapit ang ugnayan sa mga Komunista at armadong Kaliwa – bukod pa sa maraming kritikal na pahayag laban sa oligalrkiya sa bansa at gobyerno ng US.

Mas mahalaga, wala sa kanilang pagsusuri ang malawak na masang anakpawis at sambayanang Pilipino. Sila na naghahanap ng pagbabago at nakatingin ngayon kay Duterte – dahil sa pagsahol ng krisis ng lipunang malakolonyal at malapyudal, dahil sa pagkalantad sa kabulukan ng neoliberal at militaristang paghahari ni Noynoy Aquino, dahil sa pag-upak ni Duterte sa rehimeng Aquino, at dahil sa mga pangako niyang tumutugon sa matagal nang mga kahilingan ng masang anakpawis at ipinakete pa nga sa “tunay na pagbabago.” Sila ang pinakamahalagang pwersang pampulitika dahil nasa kanilang kamalayan at pagkilos ang hinaharap ng administrasyong Duterte.

Ikatlo, wala silang pagsusuri sa tinakbo ng mga pangyayari na humantong sa pagkakahalal ni Duterte. Hindi nagsimulang malakas na kandidato si Duterte: noong una’y kaduda-duda kung may pondo at makinarya siya para sa isang pambansang kampanya at nagtuluy-tuloy lang ang pangunguna niya sa mga survey isang buwan bago ang halalan. Pero dahil sa kanyang pagdistansya at pagtuligsa sa rehimeng Aquino at maging sa bulok na sistemang pinaghaharian ng oligarkiya at dahil sa kanyang mababangong pangako, nagkaroon siya ng maraming masugid na tagasuporta, humamig siya ng napakaraming boto, at nabigo ang iskemang talunin siya sa pamamagitan ng pandaraya.

Dahil tahimik sina Docena at Hetland sa kung paano ipinatupad ni Chavez ang mga progresibong hakbangin, nalilikha ang impresyon na isang buhos ang mga ito – na mali. Sa kanyang sanaysay na “Social and Political Diversity and the Democratic Road to Change in Venezuela” [2014, nasa librong Latin America’s Radical Left: Challenges and Complexities of Political Power in the Twenty-First Century na inedit niya], sinabi ni Steve Ellner, propesor sa Venezuela, na dumaan sa limang yugto ang pagkapangulo ni Chavez.

Sa mga salita ni Ellner: Una, 1999-2000, moderatong patakarang pang-ekonomiya at moderatong diskurso. Ikalawa, 2001-2004, pagbubuo ng mga batas na anti-neoliberal. Ikatlo, 2005-2006, paglitaw ng balangkas ng bagong modelong pang-ekonomiya sang-ayon sa pagbibigay ng bagong kahulugan sa pribadong pag-aari at diskursong pabor sa sosyalismo. Ikaapat, 2007-2008, pagsasabansa ng mga batayang industriya. At ikalima, 2009-2013, pag-agaw sa pag-aari (“expropriation”) ng malalaking kumpanya pangunahin para makipagkumpitensya ang gobyerno sa pribadong sektor.

Paliwanag niya, “Naimpluwensyahan ang proseso ng radikalisasyon ng mga hangarin ng mga sektor na pampulitika at panlipunan sa loob ng [kilusang Chavista] at ng pang-ideolohiyang tanaw ng pamunuan, pero sa malaking bahagi ay tugon din ito sa mga aksyon at taktika ng mga kalaban ng gobyerno.”

Sa isang pakahulugan, kahit si Hugo Chavez, hindi nagsimula bilang Hugo Chavez ng Venezuela. Siya mismo, naging Hugo Chavez ng Venezuela sa takbo ng kanyang pamamahala, sa gitna ng pakikipagtunggali para sa mga progresibong mithiin niya at ng kilusang sumusuporta sa kanya kontra sa mga kalaban nito.

Mural ni Hugo Chavez sa Merida, Venezuela. Larawan ni David Hernandez via <b>Wikimedia Commons</b> (CC BY-SA 2.0)

Mural ni Hugo Chavez sa Merida, Venezuela. Larawan ni David Hernandez via Wikimedia Commons (CC BY-SA 2.0)

Mula sa kanilang makitid na pagsusuri, naghapag sina Docena at Hetland ng puna sa Kaliwa at panukalang dapat gawin ng Kaliwa. Tutol sila sa pakikipag-alyansa at Kaliwa kay Duterte. Kesyo hindi raw ito ang mas “mature” at mas “sopistikado” na “estratehiya para kamtin ang katarungang panlipunan.” Kung gaano kayaman ang kanilang karanasan sa pagsusulong ng rebolusyon at sa buong-panahong pakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan para gumawa ng ganitong paghusga, hindi natin alam.

At kung ano ang dapat na pagharap kay Duterte, hindi nila masabi nang direkta. Hindi raw Hugo Chavez ng Pilipinas si Duterte, pero dapat daw humalaw ng hakbangin sa mga mamamayang Venezuelan sa naging pagharap nila kay Chavez: “nanindigan sila, mapagbantay na ipinagtanggol ang kanilang awtonomiya, at pinaigting ang antagonistikong mga mobilisasyon laban sa mga elite ng Venezuela na suportado ng US at nagsisikap na patalsikin ang mga sosyalista – habang, kaalinsabay, patuloy na nagdidiin ng presyur sa mga sosyalista na nasa kapangyarihan.”

Ang mapupulot dito ay ang kagustuhan nina Docena at Hetland na ang Kaliwa ay magdiin ng presyur kay Duterte. Pero ang totoo, pumurol sa siping iyan ang direksyon ng sulatin nila. Ang lohikal na tinutumbok nila ay ang ilantad at labanan ang gobyerno ni Duterte, halos walang kaibahan sa naging pagharap ng Kaliwa sa kakatapos ng rehimeng Aquino. Iyan ang tinutungo ng mabangis nilang bansag-pagsusuri rito: “maka-Kanang populista na nagtatago sa kasuotang ‘sosyalista’,” “gustong palakasin ang neoliberalismo,” at may layuning “palakasin sa halip na hamunin ang kapitalismo.”

Dito na sila tinangay ng kanilang makitid na pagsusuri: Hugo Chavez lang ang susuportahan; kung hindi Hugo Chavez, ilantad at labanan. Hindi mahalaga ang mga partikular na kalagayan. Baka kahit sina Evo Morales ng Bolivia at Rafael Correa ng Ecuador, na itinuturing na hindi kasing-radikal ni Chavez, ay hindi pumasa sa kanilang gawa-gawang pamantayan.

Sa balangkas ng pakikipag-alyansa sa gobyernong Duterte, inilatag ni Prop. Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng CPP noong Hunyo 10 pa lang sa sulating “Prospects Under the Duterte Administration,” kung paanong matitiyak ang paglakas ng rebolusyonaryong pakikibaka sa ilalim ng gobyernong Duterte.

Aniya, “Anumang kasunduan at alyansa sa pagkapangulo ni Duterte ay dapat mabibigyang-katwiran sa paglilingkod sa pambansa at demokratikong mga karapatan at interes ng sambayanang Pilipino. Hangga’t ang naturang pagkapangulo ay umaabante sa ganitong direksyon, anumang pagkontra sa sarili, kagaspangan, o kakulangan dahil sa mga hakbanging ginawa o hindi ginawa ay maaaring maging paksa ng kritikal na pagsusuri at konstruktibong panukala. Papanatilihin ng mga makabayan at progresibong pwersa ang kanilang independensya at inisyatiba. Dapat magmantine ng balanse ng pakikiisa at pakikitunggali, na ang huli ay laging dapat nakatuntong sa makatarungan at makatwirang batayan, na may layuning paunlarin o palakasin ang alyansa.”

Mas mahalaga, malinaw ang pangunahing panawagan niya, hindi lang sa kabataang Pilipino marahil, kundi sa masang anakpawis at sambayanang Pilipino: “ipagpatuloy ang lahat ng kanilang pagsisikap na pagkaisahin ang sambayanan para sa pagbabagsak sa sistemang malakolonyal at malapyudal sa pamamagitan ng digmang bayan at sa paglubos sa pambansa-demokratikong rebolusyon.”

Pero kaduda-duda kung maniniwala rito sina Docena at Hetland. Isa pang problema sa kanila ang walang batayan, kung hindi man irasyunal, na galit sa Kaliwa – sa mga Komunista at sa mga kadikit nila.

Anila, si Duterte ay nakipag-alyansa lamang “sa isang seksyon ng kaliwa” bilang mayor ng Davao. Tahimik sila na ang tinutukoy ay ang pinakamalaki at pinakamilitanteng seksyon ng Kaliwa sa Davao at buong Mindanao na kinabibilangan pa ng armadong lakas.

Parang nakangising kinukutya nila ang mga sekretaryong maka-Kaliwa na itinalaga ni Duterte sa gabinete sa pagtawag sa kanilang “enthusiastic.” Ano kaya ang magandang salin nito? Sabik? Sabik sa kapangyarihan? Sabik sa tungkulin nang hindi alam ang buong kalagayan? Para bang bukod na pinagpala ng kaliwanagang progresibo sina Docena at Hetland.

Pinapalabas nilang makikipagkasundo ang CPP at NPA sa usapang pangkapayapaan sa gobyernong Duterte kahit pa mangangahulugan ito ng “mas malalim na pagpasok ng kapital” sa kanayunan. Malinaw ang unang pangungusap sa sipi kay Sison sa itaas, gayundin ang pangunahin niyang panawagan. Tanging mga galit sa CPP at NPA ang maniniwalang papayag silang maging kasangkapan para payapain ang kanayunan pabor sa mga imperyalista at mga lokal na naghaharing uri.

Hindi man nila naipaliwanag, ang huling panawagan ng kanilang sanaysay ay “Tungo sa isang nagsasarili, independyenteng Kaliwa.” Walang dahilan na isiping ang CPP o ang pambansa-demokratikong Kaliwa ang kanilang tinutukoy – kundi isang kilusan, nasaan man, na nakabukod at kritikal sa mga ito.

Bagamat may pana-panahong pakikiisa siya sa mga ipinapaglaban ng Kaliwa, tuluy-tuloy ang pagtuligsa ni Docena sa huli. Noon, mula sa perspektibang neoliberal at repormista gaya ng Akbayan; ngayon, mula sa perspektibang tila ultra-Kaliwa. Pero konsistent ang lapit: pagtuligsa.

Kaalinsabay ng kakapusan nina Docena at Hetland sa Marxistang analisis sa kongkretong mga kalagayan sa bansa ay ang kanilang di-kritikal na paggamit ng maka-Kaliwang teorya sa pagsuri sa kalagayan ng bansa.

Ang lagom nila sa magiging papel ng mga maka-Kaliwang opisyal ng gabinete ni Duterte: “mas malamang na hihilingin lang sa kanilang gawin ang papel na masayang ipinahintulot ng kapital sa kaliwa sa kasaysayan: ang linisin ang kanilang kalat – at akuin ang sisi.” Lapat ba sa kasaysayan ng Pilipinas ang ganitong paglalahat? Kaliwa ng anong bansa ang kanilang nilalait?

Si Duterte at mga tagasuporta niya noong panahon ng kampanya. Larawan mula sa Rody Duterte FB account

Si Duterte at mga tagasuporta niya noong panahon ng kampanya. (Larawan mula sa Rody Duterte FB account)

Pero mas malalim ang suliranin sa lagom nila sa “rebolusyon” na inilulunsad ni Duterte, hindi pa man nag-uumpisa, na galing sa Italyanong Komunistang pilosopo na si Antonio Gramsci. Anila, maglulunsad si Duterte ng “pasibong rebolusyon” – “isang rebolusyon mula sa taas na gumagamit ng maka-kaliwang retorika, gumagamit ng mga maka-kaliwang indibidwal, at nagpapakilos pa nga ng ‘masa’ para sa dulo ay palakasin sa halip na hamunin ang kapitalismo.”

Ayon kay Domenico Losurdo, Marxistang pilosopo, tinutukoy ng “pasibong rebolusyon” sa mga sulatin ni Gramsci “ang tuluy-tuloy na kakayahang mag-inisyatiba ng burgesya na nagtatagumpay, maging sa historikal na yugto kung kailan tumigil na itong maging tunay na rebolusyonaryong uri, na lumikha ng makabuluhang mga transpormasyong sosyo-pulitikal, pinapanatili nang may seguridad sa sariling mga kamay ang kapangyarihan, inisyatiba at hegemonya, at iniiwan ang mga uring anakpawis sa kanilang kalagayan ng pagkaduhagi (subalternity).”

Sa sanaysay niyang “The limits of passive revolution” [2010] kung saan galing ang sipi kay Losurdo, inilinaw ni Alex Callinicos, Marxistang iskolar, na ang tineorya ni Gramsci sa konseptong iyan ay ang pagpapanatili ng burgis na paghahari “sa isang epoka ng krisis, gera at rebolusyon.” Partikular ang mga mayor na pagbabago sa Italya – pangunahin ang Risorgimento ng ika-19 na siglo at sekundarya ang paghahari ng pasismo sa pangunguna ni Benito Mussolini. Ipinakita niyang binanat ni Gramsci ang konsepto mismo at tinuligsa niya ang lalong pagbanat dito sa kasalukuyan.

Kailangan ng malalimang pagsusuri, samakatwid, sa kalagayan sa Italya sa mga panahong nabanggit at sa Pilipinas sa kasalukuyan para mapangatwiranan ang paggamit ng konsepto ng “pasibong rebolusyon” sa gobyerno ni Duterte. Isang antas sa moda ng produksyon; isa pa sa pampulitikang sitwasyon. Hindi ito ginawa nina Docena at Hetland, sa kabila ng tila malaking pagkakaiba ng Risorgimento at pasismo sa kapitalistang Italya sa isang banda at ng malakolonyal at malapyudal na Pilipinas sa ilalim ni Duterte sa kabila.

Anuman ang kawastuhan ng paggamit ng konsepto ng “pasibong rebolusyon” ngayon sa Pilipinas, mali ang pagtingin nina Docena at Hetland na mas ang imperyalismong US at mga naghaharing uri sa bansa ang makikinabang sa pakikipag-alyansa ng Kaliwa sa gobyernong Duterte.

Malinaw ang mga pahayag ng Kaliwa kung paanong lalakas ang rebolusyonaryong pakikibaka sa kasalukuyang kalagayan, ginagabayan ng mga prinsipyo ng pakikipag-alyansa, ng pagtatakwil sa repormismo at pagsusulong ng pakikibaka para sa reporma sa balangkas ng pagpapalakas ng rebolusyon, at tuluy-tuloy na pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos para sa tunay na pagbabagong panlipunan.

Sa panig nina Docena at Hetland, naglahad sila ng sariling “estratehiya” ng pagharap sa gobyernong Duterte. Hindi natin alam kung tunay nilang maisasapraktika ito, labas sa paggamit dito para tuligsain ang Kaliwa at magpabango sa mga indibidwal at grupong anti-Komunista at anti-Kaliwa sa labas ng bansa.

Pero lumang tugtugin na ito: mas malamang na mangyari kaysa sa prediksyon nila sa Kaliwa na, pagkatapos ng ilang taon, dahil sa kadahupan sa ideolohiya, mananatiling walang rehistro sa pulitika ang kanilang kilusan at mananatiling maliit ito bilang organisasyon.

16 Hulyo 2016

Viewing all 151 articles
Browse latest View live